Bangkay na pinaglalamayan hindi tuli habang si Kulot ay tuli

Base sa pagsusuri na ginawa ng Philippine National Police (PNP), ang bangkay na pinaglalamayan sa Cainta Rizal ay hindi tugma sa kaibigan ni Cark Angelo Anaiz na si Reynaldo De Guzman alyas Kulot.

Napagalamang hindi tugma ang DNA test at ang narekober na bangkay ay hindi tuli samantalang ang pahayag ng kapatid ni kulot ay nagpatuli na ang nakababatang kapatid nito.

Kinumpirma rin ng kapatid na si Edgar Gabriel na malayo ang mukha ng narekober na bangkay sa kanyang nakababatang kapatid.


“Sa mukha pa lang, malayong malayo eh. Kasi ano lang ‘yung kapatid ko eh, medyo mahaba ng kaunti ‘yung mukha niya,” ayon kay Edgar na kuya ni Kulot.

“Kung hindi nga siya ‘yan, then sana may nag-claim na sa kaniya or pumunta na dito si Kulot upang ipakita…kung ganoon,” saad naman ng isa pang kapatid na si Edmon.

“Tinanong ko rin ‘yung tatay ko, talagang sabi (ko) kung siya ba talaga ‘yan o, sabi niya, siya daw,” ani Edgar.

“Ibabalik ko po pero ang tanong kung sino talaga ang mga magulang niya. Kailangan mapatunayan sa akin harap-harapan na hindi ko anak itong [nakaburol] dito sa bahay ,” anang ama.

“‘Yung nakaburol ngayon ay dapat ho alamin kung sino. Kasi kung ano, e di sana kung buhay ang anak ko, inilabas nila kung nasaan. Kasi kung hindi ko anak ‘yang nakaburol, e kaninong anak ‘yan?” tanong niya. 


Ayon kay PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos, malinaw di umano na hindi si kulot ang narekober sa Gapan, Nueva Ecija na hinihinalang anak ng mag asawang si Eduardo Gabriel at Lina De Guzman.

Si Kulot ay mapagaalamang nauna ng nawawala kasama ni Arnaiz na napatay ng mga pulis sa Caloocan City matapos daw itong mangholdap ng taxi driver.

Source:  1, 2


No comments:

Post a Comment

Sponsor