Dean of FEU College of Law kay Duterte: Ang tawag sa lider na iyan ay “despot”

Matapos magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na ipapaaresto ang mga Ombudsman Official ay nagbigay ng pahayag ang Dean ng FEU College of Law na si Atty. Mel Sta. Maria.

Ayon kay Atty. Sta Maria, korte lamang ang may kapangyarihang mag-order ng arrest via warrant of arrest at hindi ang Pangulo ng bansa.

Panawagan pa nito na dapat ay sundin ni Pangulong Duterte ang batas at bilang presidente ay maging good leader ito na sumusunod sa batas.

Basahin ang buong pahayag ni Atty. Sta. Maria:

Sir, paalala lang po. Ang korte lamang po ang nakakapag-order ng arrest via a warrant of arrest. Hindi po kayo. Tinanggal na po sa konstitution ang kapangyarihan ng Presidente o executive department na mag-issue ng warrant. Natuto na po ang bayan sa ginawa ni Marcos nung period ng diktadurya na kung saan ang daming ASSO (Arrest Search Seizure Order) ang na-issue ng executive department at madaming nadakip na nawala at namatay.


Hindi rin po matuturing citizen arrest iyan. Ang hindi po pagdalo sa gagawin ninyong commission ay hindi naman krimen. Wala pong krimen kung walang batas na nagsasabing krimen ang isang kilos. Basic po iyon, di ba? At hwag rin pong mag-iimbento ng batas. Masama rin po iyon. Lalong-lalo na po, hinding-hindi nyo dapat ipagpalagay na kayo ang batas, kasi hindi naman kayo hari. Ang pag-aresto po na walang basehan sa batas ay illegal arrest sa ilalim ng Revised Penal Code. Kahit po presidente ay hindi above the law.

Malinaw naman po ang Konstitution. Let us abide, sir ,by the RULE OF LAW. Masmabuti na po na bilang presidente, kayo ang example ng leader na sumusunod sa batas. Let us follow sir.


Masama kasi na nangtatakot ang isang lider sa mga mamamayan para sumunod sila sa batas, pero siya mismong lider ay hindi naman sumusunod sa batas at gumagawa pa ng krimen. Ang tawag po sa mga lider na iyan “despot”.

Source:  Atty. Mel Sta Maria Fb


No comments:

Post a Comment

Sponsor