ANG KATOTOHANAN DATING PRESIDENTE MARCOS BINILI ANG SPRATLY ISLAND SA HALAGANG PISO LAMANG!

Isiniwalat sa isang paksa ng online society and culture website na Philippine Shocking History ang pagkakabilang ng Islang Spratly sa kasaysayan ng Pilipinas ayon na din sa pagsisikap ng mismong nakatuklas nito na si Philippine Maritime Institute (PMI) founder, Atty. Tomas Cloma.

Ayon sa paksa, nabili umano ng dating Pangulong Marcos ang Spratly mula kay Atty. Tomas Cloma sa halagang PISO kapalit ng kalayaan nito.

Ipina-aresto ni Marcos si Atty. Cloma at ipinakulong nang noo’y tumanggi ito sa ideyang pormal nang gawing bahagi ng bansang Pilipinas ang naturang Isla na kinalaunan ay tinawag na itong ‘Freedomland’.

Nagmula umano sa isang upper middle-class family buhat ng Pilipinong Ama at Ina na parehong tubong Boholano si Tomas at ang kapatid nitong si Filemon na matagaumpay na naitaguyod ang PMI matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig.

Advertisement
Nagsimula lamang ang magkapatid sa isang pang-malawakang pangingisda bago paman maitaguyod ang naturang paaralang karagatnin (maritime institute).

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nadiskubre ng magkapatid kasama ang mga tripulante ng PMI noong 1947 ang isang grupo ng mga isla na hindi pa kailanman nararating ng katauhan at kabihasnan ngunit napapaligiran naman ng iba’t ibang likas na yaman kabilang na ang yamang dagat at yamang mineral.

Kinalaunan ay personal nang inangkin ng magkapatid na Cloma ang grupo ng mga isla na ito na kinabibilangan ng pitong (7) isla ng Spratlys noong ika 11 ng Mayo taong 1956 na kinilala bilang “Free Territory of Freedomland” na may layong 380 miles sa kanlurang bahagi ng Palawan sa South China Sea o West Philippine Sea.

Sa kabila ng babala ng kapwa nitong Boholano na si dating Vice President Carlos P. Garcia, matapang na idineklara ni Atty. Cloma noong Hulyo 6, 1956 sa buong mundo na nagtaguyod na ito ng “separate government” para sa Freedomland na binubuo ng ilang isla sa paligid kabilang na ang Flat Island (Patag Island) na itinanghal naman nito bilang ‘Capital’.

Walang naniwala sa umano’y patutsada ni Atty. Cloma lalo na ang mga taga Maynila na hindi paman din nararating ang naturang lugar.

Sa kapanahunan na ng dating Pangulong Marcos naging tanyag muli ang isyu sa Spratlys kung kaya’t sa ilalim ng Presidential Decree No. 1596 noong 1978, ipinagpasyahang palitan ang pangalan ng Freedomland bilang ‘Kalayaan Group of Islands’ at idineklarang isa sa mga Munisipalidad ng probinsiya ng Palawan.

Nagpadala umano si Marcos ng isang batalyong sundalong marino at 200 sibilyan upang sakupin ang lugar upang maipasimulan na ang tungkulin nito bilang isang Munisipalidad.

Naisiwalat din sa isang pagsisiyasat ng Southeast Asia Mineral Company (SEAMICO) na ibinahagi naman sa Malacañang nang taon ding iyon na ang Kalayaan Group of Islands ‘possessed great promise’.

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]- dailyreader.online


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
Loading…


No comments:

Post a Comment

Sponsor