Isang Pinay sa Amerika, nasira ang mukha matapos turukan ng maling produkto.

Hindi napigilan maglabas ng sama ng loob ng isang Filipina sa Amerika dahil sa nangyari sa kanyang mukha. 

Nagkabukol-bukol na ang kanyang noo at hindi na rin nagpantay ang kanyang mukha dahil daw sa maling produkto na itinurok sa kanyang mukha.

Nakilala daw niya ang isang Pinoy sa isang party na nag-alok sa kanya na burahin ang mga imperfections niya sa kanyang mukha.

"Matagal na daw niyang ginagawa yan, licensed daw siya dun sa Dubai, marami daw siyang clients doon at doon din daw niya nakukuha ang product na ini-inject niya. Medical assistant daw siya sa Dubai, she's working on getting her licensed as well," pahayag ni Cherry.

Image via Cherry Adler

Hindi daw sapat ang isang session lang kaya naman pinabalik si Cherry para sa kanyang next session.

 Akala din niya ay collagen ang tinurok sa kanyang mukha pero isang buwan matapos ang session ay nag-umpisa nang tumigas at magkabuko-bukol ang kanyang mukha. Umabot na daw ng walong na buwan at hindi parin nawawala ang mga bukol sa kanyang mukha.

"6 months na notice ko, bakit hindi pa nawala, tapos 8 months came, bat hindi pa din, so 10 months sabi ko sa kanya, ano ba nangyari sa noo ko tsaka yung chin ko, sabi mo madi-dissolve, bat ganito ang nangyari, bat nagtuldok tuldok at tumitigas tapos hindi siya nadi-dissolve."

Image via Cherry Adler

Nagreply daw sa kanya ang kanyang kaibigan at pinayuhan lamang siya na maghintay ng isa hanggang dalawang taon bago nadissolve ang tinurok sa kanya. 

Dumating na daw sa punto na hindi na kaya pang tignan ni Cherry ang kanyang sarili sa salamin dahil sa nangyari sa kanyang mukha. Ang mas masama pa daw na nangyari ay binlock daw siya nito sa Facebook kaya nawalan sila ng komunikasyon sa isa't-isa. 

Dahil hindi narin mapakali si Cherry sa nangyayari sa kanyang mukha ay nagpasya na lamang siyang maghanap ng totoong doctor para magamot ang nangyari sa kanyang mukha.

Image via Cherry Adler

No comments:

Post a Comment

Sponsor