Sikreto ng mahigit dalawang dekadang pagmamahalan ni Glydel at Tonton Gutierrez.

Kabilang si Tonton Gutierrez at Glydel Mercado sa mga celebrity couple na mahigit dalawang dekada na ang pagmamahalan. 

Ano nga ba ang sikreto nang kanilang pagsasama at umabot sila ng dalawang dekada. 22 years ago noong nagkakilala at naging sila, 17 years na silang kasal na ginanap sa Sanctuario de San Antonio Parish sa Forbes Park. Anim taon din silang naging boyfriend/girlfriend bago sila ikasal.

Nabiyayaan sila ng dalawang anak na baba e na sina Aneeza at Aneeka. Si Aneeza ay 15 years old na at dati daw napagkamalang lesbian ni Anton at Glydel dahil sa kanyang kilos at pananamit pero hindi naman daw ayon sa anak. 


Ganun lamang daw talaga ang pormahan niya at sa katunayan ay meron itong crush sa showbiz na si Donny Pangilinan na anak ni Maricel Laxa. Pero kahit ano pa man siya ay suportado daw ang mag-asawa. Open daw sila sa mga anak nila at paborito nilang bonding together ay ang mag-golf.

Sa isang interview sa kanila ni Eugene Domingo sa Celebrity Bluff, ibinahagi nila ang sikreto ng kanilang matagal na samahan. Simple life, simple wants, simple needs at pag meron daw misunderstanding hindi na pinapalaki at kagad na pag-usapan. 

Ito ang naging sagot ng mag-asawa sa interview. Bukod pa doon, hindi daw nila inisip ang showbiz side ng kanilang relasyon. 

"We just went on with the marriage, we just went on with life. Wala kaming iniisip na baka ganito, ganyan. We just kept our lives simple." 

Nagkaroon na din sila ng isang break-up dahil sa isang malaking pagtatalo at hindi pagkakaunawan pero naayos din naman daw nila ito. Hindi rin sila madalas mag-away.


No comments:

Post a Comment

Sponsor