Andrea Torres, hindi nakakaramdam ng selos sa engagement nila ng ex-boyfriend.

Masayang ibinahagi ni Andrea Torres sa The Boobay and Tekla Show noong nakaraang linggo na siya ay masaya at naka move-on sa hiwalayan nila ng kanyang ex na si Derek Ramsay. 

Ayon kay Andrea ay hindi din siya nakararamdam nang ano mang selos sa bagong karelasyon ni Derek na si Ellen Adarna. 

Nagbigay din ito ng tips para makamove on kaagad at ito ay ang magfocus muna sa sarili. Dagdag pa niya, kailangan daw gumawa ng bagay na magpapasaya sa sarili at mga bagay na hindi mo pa nagagawa o nata-try dati.

Idiscover mo pa yung sarili mo, saad pa niya. Madami din daw celebrities na nagparamdam at nangamusta sa kanya pagkatapos ng hiwalayan nila ni Derek pero hindi nagpapasalasat daw ito sa kanila at hindi pa siya handang magmahal muli.

"Usually kasi pag ganito, binibigyan ko kasi ng time yung sarili ko para maging mag-isa. Para kapag dumating na yung next, all out ulit."

Binigay din ni Andrea ang buong puso at pagmamahal niya kay Derek pero may mga tao talagang hindi itinadhana sa isa't-isa.

"Sa akin kasi ano, all out kasi ako sa relasyon, so kapag dumating na sa point na kumalas na, alam ko sa sarili kona nasagad ko na. Okey na, tama na," dagdag pa niya.

Samantala, engaged na sina Derek at Ellen Adarna dahil para kay Derek ay si Ellen na ang babaeng papakasalan nito.


No comments:

Post a Comment

Sponsor