Camille Prats, napagkamalan na siya ang niloko ni Jayzam Manabat.

Ikinatuwa ng netizens ang larawan na ibinahagi ng Kapuso aktres at Mars Pa More host na si Camille Prats sa kanyang official Facebook Page. 

Sa naturang post ay madami daw nagmemessage at nagtatag sa kanya dahil akala nila ay siya ang Camille na viral ngayon sa social media. Mine-message daw siya para suportahan at wag nang balikan pa si Jayzam. 

Hi everyone!!! Been getting alot of private messages like these. I was also getting tagged and my photo also being posted. Just to clarify something that started out as a joke/meme that I think lead to confusion, ibang Camille po iyon. 

The convo on the right was EDITED. I didn't reply to anyone just like the message shown below. Appreciate your kind messages guys but you got the wrong "Camille".

Hindi man daw siya ang reply sa isang message ng isang netizen sa kanyang page pero hindi niya ito ikinagalit bagkus ay tumawa na lamang siya dito.

Sunod sunod ngayon ang problema na kinakaharap ng magkasintahan na si Jayzam Manabat at Camille Trinidad o mas nakilala bilang 'JaMill' na isa sa mga sikat na personalidad sa online world.

 Matapos ang mga naglabasang reklamo ng ilang netizens laban sa kanila patungkol sa pag-scam umano sa kanila ay may dalawang babae ang nagreklamo sa magkasintahan sa programa ni Raffy Tulfo na sina Nyca Bernardo at Damie Tensuan. 

Matatandaan na lumabas ang panloloko umano ni Jayzam kay Camille matapos ibahagi ng isang netizen ang halikan ni Jayzam sa isang fan noong ito ay malasing. 

Samantala, madaming fans ang nag-alala na baka mabuwag na ang tambalang 'JaMill' kung hindi sila magkakaayos. 

Nagbahagi din si Jayzam ng larawan nilang dalawa ni Camille na may caption na 'Gusto kong bumalik sa nakaraan, yung panahong okay ang lahat." Ibinahagi naman ni Camille sa kanyang IG story ang isang quotes na,

"God, I surrender my worries, problems, fears, and doubt to you. Your powers are vast. Empower me. Guide me. Guide me the vision. Give me clarity. Open doors for me. All things come from the unseen into the seen. Strengthen my faith to trust the process."


No comments:

Post a Comment

Sponsor