Isang babae sa Amerika, nagpakasal sa kanyang manika.
Siya ay si Felicity Ann Kadlec-Rossi na ipinanganak noong 1998 sa Fall River, Massachusetts. Siya ay ang lumikha ng underrated 2016 adult zombie fiction na librong Zombieblood.
Nagsimula siyang isulat ito noong siya ay 13 years old pa lamang. Pinakasalan niya ang kanyang zombie doll na nagngangalang Kelly Rossi noong September 15, 2018 sa Rhode Island.
Kasama sa mga dumalo sa seremonya ay ang walo pa niyang zombie dolls at ilang mga kaibigan at kamag-anak niya. Ang nagastos niya sa seremonya ay umabot ng $500 o nasa 25,000 pesos.
Nilinaw din ni Felicity kung saan niya nakuha ang idea para sa Zombieblood.
"In the start, I got the idea for Zombieblood cause I truly loved zombies as a child. But I would like to change some of it. Also, it’s a twist on a new society, involving ME as the higher being, which involves life and life after death. Also, it could teach lessons. The book is fictional, but the meaning behind it is REAL!"
Ayon din kay Felicity ay nakita niya ang mga manika sa isang online site noong siya ay 10-12 years old pa lamang at simula noon ay malaki na ang kanyang naging interest sa mga ito.
Niregaluhan siya ng kanyang ama ng manila noong siya ay 13 years old pa lamang siya at nagdevelop ang kanyang feelings noong 16 years old siya kaya nagdesisyon siyang pakasalan ang kanyang manika.
No comments:
Post a Comment