Kilalanin ang dalawang kyut na anak nila Mariel at Robin Padilla.

Bago isilang ni Mariel Rodriguez ang dalawang anak ay nakš”²nan muna ito nang dalawang beses. Triplets sana ang ipinagbuntis niya pero sa kasamaang palad ay nalš”žglš”žg ito noong 2015. 

Ipinanganak ang panganay nila na si Isabella noong 2016 at siya ang nagpatanggal ng lungkot sa mag-asawang Robin at Mariel sa kabila ng pagkawala ng triplets sana nila. 

Halos araw araw noon umiiyak si Mariel sa nangyari pero nung dumating ang dalawang anak nila sa buhay nila ay napalitan naman yun nang kasiyahan. Meron na din bunsong kapatid si Isabella na si Gabriela na isinilang noong 2019. 

Image via marieltpadilla IG

Samantala, papuri ang natatanggap ng mag-asawa dahil narin sa pagtrato nila sa kanilang mga kasama sa bahay.

Nagpagawa ng apartment ang mag-asawa para sa kanilang mga kasambahay at pamilya ng mga ito noong nakaraang taon. 

Dahil sa hirap ng buhay dulot ng pandemya ay naisipan ni Robin na magpagawa ng apartment sa compound ng Museo Padilla para dun na tumira ang kanilang mga kasambahay kasama ang kanilang mga pamilya. 

Ito rin daw ang paraan para malimitahan ang mga tao na lumalabas at pumapasok sa bahay nila.

Medyo strikto ang mag-asawa at kailangan nilang ipatupad ang mahigpit na mga patakaran sa quarantine lalo na't may mga bata sila na kasama sa kanilang bahay at kailangan nilang maging maingat. 

Image via marieltpadilla IG

May times din na nagpalaro si Mariel ng Bingo game kasama ang kanilang mga kasambahay at ang premyo ay mga appliances para sa kanilang bahay. 

Naiyak naman sa tuwa at saya ang mga ito at malaki ang pasasalamat nila sa mag-asawa dahil pamilya na ang turing sa kanila. Ito ay ilan sa mga mensahe nila kay Mariel at Robin.

"Yung mga naranasan namin dito, hindi namin mararanasasn sa iba. Iba po yung pinapakita ninyo sa amin. Kakaiba po yung pakiramdam, parang at home na at home ako sa bahay niyo."

"Nagpapasalamat po ako kasi napunta po ako sa inyo Sir Robin. Thank you po sa inyong puso, di ninyo po kami trinato na ibang tao. Pamilya tayo. Wala akong nararamdaman na kahit anu man, lagi kayong andiyan. Hindi ko naramdaman na nag-iisa ako."

Maria Erlinda Lucille Sazon Termulo ang totong pangalan ni Mariel at nakapagtapos siya ng B.A in Organizational Communication sa De La Salle University. Una siyang nakilala bilang regular hosts ng Extra Challenge, Wowowee, Wiltime Bigtime at Pinoy Big Brother. Ikinasal sila ni Robin Padilla noong 2010 sa Taj Mahal sa India.


No comments:

Post a Comment

Sponsor