Kris Bernal, sawa at sanay ng masabihan ng payat.

Inulan ng mga iba't-ibang kumento ang mga larawan at bidyo ng aktres na si Kris Bernal at madalas daw ito ay mga negatibong kumento sa kanyang pangangatawan. 

Mahigit walong taon nang consistent si Kris sa pagwowork-out para makamit niya ang kanyang fitness goals pero sa kabila nito ay marami daw siyang pagsubok na nalampasan kagaya na lamang ng pagiging apektado niya dati sa sinasabi sa kanya at sa pagiging masyadong payat niya hanggang masanay na lamang siya dito.

"Even though I love fitness so much, it's not always a perfect journey. Alam niyo, I'm naturally thin. I am naturally small and may mga tao talagang nagba-bash sa akin."

Image via krisbernal IG
"Like sasabihin nila, anorexic daw ako, bulumic and like too thin. But you know, in all honesty, it's just my body type. It's my genes."

Ayon naman kay Kris ay pagod na daw ito kakadepensa sa kanyang sarili laban sa mga nanghuhusga sa kanyang katawan. Ilan beses na daw niyang in-explain sa mga netizens na fit at healthy pero marami pa din pumupuna sa kanyang timbang.

"I'm an endomorph or the body type that is the most resistant to gaining weight or gaining muscle because of our fast metabolism. Sobrang bilis ng metabolism ko, like, no matter how much I eat, hindi talaga ako tabain."

Image via krisbernal IG

"Actually hindi ako aesthetics, hindi dahil may abs ka, dahil hindi sexy ka, may curves ka. I'm more on the health benefits. Hindi ako dun sa dapat perfect na perfect ang pangangatawan mo."

Dagdag pa ni Kris ay minsan mga ganun siyang insecurities na bakit pa siya magwo-work out eh ang payat payat na niya at hindi na mukhang healthy pero hindi nawala ang kanyang motivation dahil ito raw ay nagpapasaya sa kanya at feeling niya ay healthy siya.

"So ang hirap lang  din ipa-intindi sa mga tao na hindi porket payat ka, bawal ka ng mag work out."

"The key to my consistency and motivation is simply having a purpose, having that why do I do what I do? Bakit ako nagwo-workout? Bakit ko to gustong gawin. It's because I want to improve myself. It lifts my spirits, it boosts my self confidence. My passion and love for fitness is what keeps me going."

Minsan narin siyang nagpost sa kanyang IG story na wag siyang sabihan na kumain o kung ano ang kakainin niya dahil hindi naman ikaw ang kanyang ina.


No comments:

Post a Comment

Sponsor