Marc Pingris, bilib kay Danica sa pagiging simple lamang nito.

Marami ang namangha sa aktres na si Danica Sotto-Pingris pagkatapos niyang ibunyag na hindi siya mahilig bumili ng mamahalin o branded na gamit gaya nang sapatos at bags. 

Sa isang interview sa kanya ng PEP, ibinahagi ni Danica na hindi pa siya bumili ng mamahalin na bag para sa kanyang sarili simula noong ikinasal sila ng kanyang asawa na si Marc Pingris noong 2007.

Halos regalo lamang mula sa kanyang mga kaibigan, sa kanyang ama na si Vic Sotto at sa asawa na si Marc. Tinanong din siya kung ano ba ang dahilan kung bakit hindi siya bumibili ng mga branded na gamit. 

Ayon sa kanya ay praktikal lamang daw siya kasi mas marami pang mabibiling gamit kapag bumili ng mamahalin na sapatos o bag. 

Image via danicaspingris IG

Dagdag pa niya ay hindi naman siya kuripot, sadyang mas okay at gusto lang niya na kahit mura ay kumportable niya itong suotin. 

Samantala, nagdiwang ng kanilang 14th wedding anniversary sina Marc at Danica noong March 3. Nagkakilala ang dalawa dahil kaibigan ni Danica ang gym trainer ni Marc kaya pinakilala siya nito hanggang sa nauwi na ito sa ligawan. 

Noong una daw ay nahihiya si Marc dahil sikat na artista ang mga magulang ni Danica. Hindi naman daw siya takot sa kanila at sadyang mahiyahin lamang talaga siya. 

Na-intimidate daw siya noong una niyang makita sina Dina Bonnevie at Vic Sotto pero noong nakilala na niya ang mga ito ay naging maayos naman ang pagwelcome nila sa kanya. 

Image via danicaspingris IG

Sa mga video na ibinahagi ni Marc sa kanyang socmed, makikita dito ang pagka-kalog niya kaya swak silang dalawa ni Bossing dahil pareho silang malakas ang karisma lalo na sa pagpapatawa.

Ang sikreto ng kanilang matatag na pagsasama at pagmamahalan ay bago daw sila matulog ay pinagpe-pray namin yung marriage namin. Kapag nag-aaway sila, hindi sila natutulog hangga't hindi sila nagbabati kahit madaling araw pa.

"Hindi kami nagbabati para lang matapos na. Kung sino man yung may kasalanan, she or he has to explain why she or he did that and apologize. Then kapag okay na, wala nang sumbatan in the future," saad ni Marc.

Lumaki si Marc sa Pangasinan, bata pa lamang siya ay iniwan na sila ng kanyang ama na isang French kaya naging mahirap ang buhay niya noon dahil ang kanyang ina ang nagsisilbi din na ama sa kanya. 

Tinulungan niya ang kanyang ina na magtinda ng mga prutas sa palengke noong 10 years old siya at doon din sila natulog sa ilalim ng kanilang pwesto sa palengke. 

Image via danicaspingris IG

Dahil pursigido siyang matupad ang kanyang pangarap na maging basketball player, nadiskubre siya at binigyan siya ng tsansa na makasali sa PBA sa Manila. 

Doon nang nagsimula ang pagbabago ng buhay ni Marc hanggang sa makilala niya ang kanyang asawa. Biniyayaan sila ni Danica ng dalawang anak. Ito naman ang naging mensahe ni Danica sa kanilang 14th wedding anniversary.

"Happy 14th anniversary, Marc! Being your wife is such a wonderful blessing. I can see God’s faithfulness through your love, humility and leadership in our family. Yung love ko para ko sayo ay mas lumalalim pa."

"The challenges that we experience in life only makes us stronger. Alam mo yan, lagi natin pinag uusapan na kakayanin natin basta with God on our side. I’m so excited for what He has in store for us this year. Thank you for always being strong at sa walang sawang pagmamahal at pag aalaga mo saamin. I love you so so much! Happy 14th!"


No comments:

Post a Comment

Sponsor