Rabiya Mateo, bigong makapasok sa Top 10 ng Miss Universe 2020.
Bigong maiuwi ng pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo ang korona para sa Miss Universe 2020. Madaming umasa na baka huling tawagin ang Pilipinas para sa Top 10 ngunit si Miss Brazil ang nakakuha ng huling spot.
Isa pa naman sa mga inaabangan at paborito nang lahat ay ang question and answer portion. Sila ang mga napabilang sa Top 10, Miss Jamaica, Miss Dominican Republic, Miss India, Miss Peru, Miss Australia, Miss Puerto Rico, Miss Thailand, Miss Costa Rica, Miss Mexico at Miss Brazil.
Hindi man niya naiuwi ang korona ay madami naman nagpakita ng suporta kay Rabiya sa pamamagitan nang pagpost nila sa kanilang mga socmed.
Image via rabiyamateo IG |
Tweet ni Mikey Bustos:
"We're so proud of you Rabiya! Thank you for representing us! Waving our flag was your calling and you did it with such beauty and grace! This is the beginning of your new journey to being a catalyst for good and change in the world. Mabuhay! That is a true MissUniverse."
"I'm so sorry but we have the real winner."
"Thank you Rabiya for representing our country proud. We're still proud of you. You are a true QUEEN. Thank you for raising our flag."
"But we can all really see how determined she is to get that crown. thank you for representing our country, the Philippines! thank you for fighting until the end, we’re very proud of Rabiya!"
Ito naman ang naging tweet ng Miss Universe 2018 na si Catriona Gray.
"Woooow this year is intense!! Sending Rabiya all of our love! She made our country proud! 11 Year consecutive semi-streak Pilipinassss."
Pasok sa Top 21 ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo. Todo hiyawan ang mga Pinoy na nasa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood, Florida, United States noong napabilang ito at isa yun ay malaking karangalan na sa Pilipinas.
Bukod kay Rabiya, kabilang sa mga pumasok sa Top 21 ay sina Miss Columbia, Miss Peru, Miss Australia, Miss France, Miss Myanmar, Miss Jamaica, Miss Mexico, Miss Dominican Republic, Miss USA, Miss Indonesia, Miss Argentina, Miss India, Miss Curucao, Miss Puerto Rico, Miss Brazil, Miss Great Britain, Miss Nicaragua, Miss Thailand, Miss Costa Rica at Miss Vietnam.
Si Rabiya ay ipinanganak sa isang ama ng India-Amerikano at isang ina na Pilipino na kalaunan ay naghiwalay. Ayon kay Mateo, lumaki siya sa kahirapan. Nag-aral siya sa Iloilo Doctors 'College bilang Bachelor of Science sa Physical Therapy at nagtapos ng cum laude. Noong 2020, nagtatrabaho si Mateo sa SRG Manila Review Center bilang isang lektor at review coordinator.
Si Zozibini Tunzi ng South Africa ang may hawak ng korona at titolong Miss Universe 2019.
No comments:
Post a Comment