Ruby Rodriguez, nirerespeto ang naging desisyon ng Eat Bulaga management.

Mahigit tatlong dekada rin naging co-host ang dating Dabarkads na si Ruby Rodriguez sa Eat Bulaga at marami na rin ang nagtatanong sa kanya kung bakit hindi na siya napapanood dito at bakit nagdesisyon siyang manirahan sa Amerika kasama ang pamilya. 

Isa nang ganap na Viva talent si Ruby at sa isang interv𝔦ew sa kanya na umabot ng halos dalawang oras, sinagot niya ang mga tanong sa kanya patungkol sa pagkawala niya sa Eat Bulaga. Tinanong din siya ni Lhar Santiago ng,

Paano yun, nasa states ka, if they have a project for you what will happen?

"Mag style hollywood tayo, kung talagang maganda yung project, worth it, and then you know it's really worth it, you can always go back, fly out and fly in, diba? 

"Ganun lang naman yun, kunwar𝔦 parang nasa Pilipinas ka, nakatira ka sa probinsya, luluwas ka ng Maynila tatapusin mo yung project mo at uuwi ka ulit sa probinsya. 

"Maraming artista na based na sa probinsya diba, parang ganun lang yun, lakas maka Angelina Jolie diba."

Tinanong din siya kung ano ang pakiramdam na malayo na siya ng𝔞yon literally and figuratively sa Eat Bulaga.

Image via rodriguezruby

"When the pandem𝔦c started, we were all separated already. When they went back on air we were just on the side, we were never called back, maybe because I already talked with the management that I am supposed to leave. 

"Na nanghingi na ako ng LOA (leave of absense. We are far apart, not doing the hosting gig anymore there in Eat Bulaga but we still talk, yung mga host, I mean regularly. We still text, we still talk to each other especially my friend of course, Pauleen and I talk to each all the time."

Sinagot din ni Ruby kung kumusta ang paalaman sa Eat Bulaga especially kay Bossing at Pauleen.

"With Bossing and Poleng, nung pinaplano ko palang to, pati yung pag-aapply ko ng trabaho alam na nila, because they're my closest friends they already know the others do not and then the girls, I opened up with Luan sa plano ko nga kasi nga sa anak ko ganyan pero sila sila lang."

"Yung mga nasabihan ko sila Allan so hindi kami talaga nakapag-paalaman kasi nga nagbu-Bulaga pa naman nung March nung biglang nag-pandemya so paano ka magpapaalam sa kanila. 

Image via rodriguezruby

"Nung nakausap ko si Boss, hindi pa ako nagfi-file ng leave, ano palang verbal palang yung agreement kasi ifi-file ko yung leave ng March kung aalis na ako, eh hindi pa naman ako umaalis so bat ako magfi-file kasi I was going to file it a month before I leave."

Sinagot din Ruby ang mga tanong ng tao kung tinanggal ba siya siya ang umalis.

"Actually hindi ako umalis kasi nagpaalam ako na magle-leave of absense lang ako, ang sabi sakin ni Mr. Tuviera, you will always have a home here in Eat Bulaga at siyempre inasahan ko yun. 

"When they started to go on air, it's their decision kung sino pababalikin nila so hindi ko alam, ang makakasagot lang kung tinanggal ako o hindi ay sila that's why I always say, please ask them."

Pero kahit ano man daw ang naging desisyon nila ay nirerespeto ito ni Ruby.


No comments:

Post a Comment

Sponsor