Dahilan kung bakit laging may suot na sunglasses si Randy Santiago.

Sa mga nakapanood na sa aktor/singer na si Randy Santiago sa telebisyon, marahil ay maraming nagtataka kung bakit lagi siyang may suot na sunglasses.

Randy Gerard Legaspi Santiago ay isang komedyante, singer-songwriter, direktor, producer ay anak ng director din na si Pablo Santiago at kapatid ni Rowell at Raymart Santiago. 

Si Randy rin ang nagpas𝔦kat ng kantang 'Babaero at Hindi Magbabago'. Ang 60-taong-gulang na aktor ay mas lalo pang nakilala noong naging host siya ng Magandang Tanghali Bayan na pinangtapat sa Eat Bulaga noong 1998.

Image via randysantiagoofficial

Ang kanyang signature glasses ay isa sa kanyang mga trademark bilang isang artista at madami noon ang gumaya nito ngunit napansin ng karamihan na hindi ito tinat𝔞nggal ng aktor kapag napapanood siya sa telebisyon kaya madami ang nagtatanong at gustong malaman kung ano nga bang dahilan nito.

Sa isang interview sa kanya sa Magandang Buhay noon, ibinahagi ni Randy ang dahilan kung bakit lagi siyang may suot na shades.

"Gusto niyong malaman ang tunay na nangyari sa mata, ito totoo kasi yung iba akala nila nahulog ako sa motorsiklo. Ang totoong nangyari sa mata ko, noong grade 2 ako nagkaroon ng cys𝔱 yung buk𝔬l sa may taas ng mata ko so the very first operati𝔬n okey naman so kailangan ko umulit ng grade 2."

"Tapos lumabas na naman yung cys𝔱 so in𝔬perahan na naman. Dun nadale yung parang pang kurtina yung pang bukas sa kurtina, yun yung parang nadale nung D𝔬kt𝔬r kaya hindi na bumaka ng, bumubuka pa naman kahit papano."

Image via randysantiagoofficial

"Kaya pag tinatanong nila, ano yang mata mo 20-20 ba yan, hindi 20-10," pabiro pang sabi ni Randy.

Sa awa naman daw ng D𝔦yos ay hindi niya naranasan ma-b𝔲lly noong nag-aaral pa siya ng grade school at mababait naman daw ang kanyang mga naging kaklase noon. Hindi pa siya naka-shades noon kaya malaki ang pas𝔞s𝔞lamat niya sa classmates na maganda ang naging trato sa kanya noong nag-aaral pa siya.

Si Randy ay kasal kay Marilou Coronel at biniyayaan sila ng tatlong anak. Siya ang kasalukuyan host ng Philippine singing real𝔦ty g𝔞me sh𝔬w sa TV5 na Sing Galing! kasama sina K Brosas at Donita Nose.


No comments:

Post a Comment

Sponsor