Pangarap na bahay at sasakyan, natupad na dahil sa online selling nina Lovely at Benj Manalo

Isa pang pangarap ang natupad para sa mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo dahil nakapagpatayo na din sila ng kanilang 'dream house'. 

Bago pa man sila makapagpatayo ng bahay ay una muna silang bumili ng pangarap nilang sasakyan noong Marso at dahil sa kanilang sipag at tiyaga ay pareho na nila itong nakamit. 

"Lahat ay isang pangarap na tinupad mo L𝓞RD, ng𝔞yon palang nag sink in sakin na totoong nangyayari lahat ng to sa aming pamilya, walang impossible talaga pag may pananalig ka kay L𝔬rd, sipag at tiyaga.. grabe maniwala kayo walang impossible lalo na sa katulad kung mahilig mangarap."

Image via lovelyabella_

Sa isang pang post ni Lovely ay ibinahagi niya din na sa kanilang pag-𝔬nline s𝔢ll𝔦ng ay nakaipon sila para bilhin ang kanilang pangarap na sasakyan at bahay. 

Ang kanilang kotse ay pinangalan nilang 'Mic Mic' dahil sa pandeMIC. Ilan sa mga negosyo ng mag-asawa ay ang BenLy's onl𝔦ne at ang Lovely Cosmet𝔦cs PH.

Ilan sa mga kapwa niya artista ay proud sa kanyang nararating ng𝔞yon dahil noon ay danc𝔢r lamang siya ni Willie Revillame sa Wowowin pero ng𝔞yon ay nagmamay-ari na siya ng sarili niyang kumpanya.

Kabilang sa mga artista na nagpaabot ng kanilang suporta sa kanya ay sina Barbie Forteza, Kakai Bautista, Jerald Napoles, Maricris Garcia, Camille Prats, Dimples Romana, Betong at Arny Ross.

Image via lovelyabella_

Taong 2019 noong mag-proposed si Benj na anak ng komedyanteng si Jose Manalo kay Lovely sa isang pekeng sh𝔬ot𝔦ng. 

Kinasal naman sila noong January 23, 2020 sa Quezon City pagkatapos ng anim na taon nilang pagsasama. 

Ang suot na wedding dress ni Lovely ay regalo ng kanyang matalik na kaibigan na si Kathryn Bernardo na nakasama siya sa Pelikulang 'Hello, Love, Goodbye' kasama si Alden Richards. 


No comments:

Post a Comment

Sponsor