ISANG DOCTOR ANG NAMATAY MATAPOS MATURUKAN NG 3 SHOTS NG DENGVAXIA DAHIL REQUIRED UMANO NG DOH!

Doktor na taga bayan ng Binalonan Pangasinan, patay matapos diumano maturukan ng Dengvaxia.

Ang biktima ay napagalamang nagtatrabaho sa isang Rural Health Unit (RHU) sa Quezon City.

Ayon sa pahayag ng kamag-anak ng nasawi na doktor, kinumpleto umano ng biktima ang tatlong shots ng dengvaxia dahil nirequired umano sila ng Department of Health (DOH) na magpaturok ng nasabing anti-dengue.

Naghihinagpis ang pamilya ng nasawi dahil sa pagkamatay ng kamag-anak na si doktor Kendrick Gotok na tubong Binangonan, Pangasinan. 

Ayon sa balita, hindi agad inamin ng biktima ang kanyang kalayagan na nagpabakuna pala siya ng dengvaxia vaccine.

“Nung mga time na inamin nya regarding sa pagkaturok nya dengvaxia, kasi nirequired sila ng DOH na magpa-inject. Kailangang managot yung mga taong dapat na managot sa ganitong klaseng sistemang ginawa nila.” Pahayag ng ama ni Kendrick.

Advertisement
Ayon din sa ina ng biktima, nag-iba ang pisikal na itsura ng kanyang anak ng huli siyang umuwi sa Pangasinan.

“Napansin ko sakanya na puting-puti na ang kanyang balat at may mga pantal-pantal ito sa kanyang buong katawan na parang mga kagat ng langgam at sobrang payat na nito.” Ayon sa kanyang Ina.

Ayon sa Provincial Health Office, wala pa raw silang natatanggap na reklamo mula sa pamilya kaya hindi pa sila makakapagbigay ng pahayag.

Ngunit base sa karamihang report ng natatanggap ng DOH, nagkakaroon daw ng ibat-ibang side effect ang mga naturukan ng dengvaxia.

“Ang sinasabi nga po ng eksperto sa kanilang panunuri, yung mga wala pa pong dengue at ito ay binigyan mo ng dengvaxia, ibig sabihin po kapag siya nagkaroon ng dengue mas lumalala po yung sintomas ng dengue sa katawan nila.” Ayon kay Dr. Anna De Guzman ng Provincial Health Office ng Pangasinan.

Disidido naman ang mga kaanak ng biktima na maghain ng reklamo sa tanggapan ng DOH upang mabigyang linaw ang pagkamatay ng doktor.

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]-phpolitics.net


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
Loading…


No comments:

Post a Comment

Sponsor