Imee, ipinakilala si Bongbong bilang ‘Vice President’ ng Pilipinas

Sa isang talumpati ni Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa pagdiriwang ng pamilya bilang centennial birth anniversary ng kanilang padre di pamilya na si Ferdinand Marcos, taas noo nitong ipinakilala ang kayang nakababatang kapatid na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang “vice President” ng Pilipinas.
“Ang aking ading (nakababatang kapatid), ni apo Vice President Ferdinand Bongbong Marcos, Jr. Huwag kayong mainip. Malapit na,” sabi ng gobernadora.

Kumpyansa ang kampo ni Bongbong na maipapanali nito ang ang kanyang protesta ngunit inamin ni Imee na natatagalan siya sa pag-usad ng electoral protest ng kanyang kapatid.

“E wala talaga, inip na inip na. Napakabagal e higit isang taon na, naghihintay pa rin ng hatol at pagbibilang,” sabi niya.

“Pinaghahandaan natin ‘yung recount at nagsisismula na tayong mag-organize ng mga tinatawag na revisor,” sabi ng dating senador.

“Para sa akin, masyadong mabagal ang takbo pero dahan-dahan naman nagkakaprogreso. Siguro basta maumpisahan na ang pagbibilang ay sandali na lang.”

Kamakailan ay hindi dininig na kamara ang “First cause of motion” ni Bongbong na kumukuwestiyon sa authenticity ng nakaraang eleksyon.

Source:  ABS-CBN NEWS
 

No comments:

Post a Comment

Sponsor