Lacson, ipaglalaban ang P678-M budget ng CHR: “I accept the challenge.”

Sa kanyang Twitter account, nagpahayag ng pagkadismaya si Senador Panfilo Lacson matapos aprubahan na Kamara ang 1,000 pesos na budget ng Commission of Human Rights.
Ayon sa Senador, ipaglalaban nito ang stand niya at panatag itong mailulusot sa Senado dahil siya ang sponsor ng CHR budget kasama dito ang Department of National Defense (DND) at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).

“I happen to be the sponsor of the CHR budget in the Senate, along with a few other agencies like the DND, ARMM, etc. I accept the challenge.” Paliwanag ng senador.

Sa kanyang Twitter account, nagpost ang senador na tila palaisipan naman kay Lacson na bakit nananatili sa 3.767 trilyong piso ang budget kung 1,000 lang ang ibibigay sa CHR.


“678M CHR budget reduced to 1k but House version of 2018 nat’l budget stays at 3.767T. It’s iteresting to find out how the 677M was chopped.” Ani Lacson.

Kampante naman itong mailulusot sa plenaryo sa Senado ang P678-million na budget ng CHR sa tulong ng iba pang kapwa senador.

“I trust na magko-cross ng party lines kasi base sa aking narinig sa aking kasamahan sa majority bloc. mukhang may numero para masuportahan ito.”

“I-count ang apat o lima na minority, sa tingin ko ito makakapasa sa plenaryo sa Senado at paguusapan sa bicam conference committee.”

Source:  1, 2
 

No comments:

Post a Comment

Sponsor