Mga iskolar, nagbebenta ng “millenial drugs” sa mga campus
Ibinunyag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagpapadala ng dealers, distributors sa mga ibat-ibang unibersidad ang mga sindikatong nasa likod ng high-grade liquid ecstacy o kilala sa tawag na “millennial drugs na usong droga ngayon sa mga high-end club.
Ayon sa PDEA, “iskolar” ang tawag sa mga dealer at distributor ng sindikato na nagbebenta ng naturang droga.
Ayon sa report na isiniwalat ng PDEA, pinopondohan ng mga sindikato ang kanilang “iskolar”. Pinag-eenrol ng mga unibersidad at kolehiyo dahil mga melennial ang target ng mga ito.
Dagdag ng PDEA, ilang patak lang daw ng liquid ecstacy na ito sa anumang inumin ay kaagad itong umiipekto sa katawan at pagiisip kaya sobrang mapanganib ang dulot nito lalo na sa mga kababaihang nakagamit ng naturang droga.
Ang ecstacy na ilang linggong tinarbaho ng PDEA ay nagmula sa Netherlands, Mexico at Argentina.
Noong Nakaarang araw ay matagumpay na naisagawa ang raid sa Mandaluyong at nakuha ang paraphernalias na ginagamit sa timplahan at bentahan ng liquid ecstacy.
Nahuli ang suspek na supplier ng ecstacy ang Filipino-American na si Dennis Thieke. Si Dennis ang nagsu-supply sa Quezon City, Pasig at Mandaluyong.
***
Source: philstar.com
No comments:
Post a Comment