10 Celebrities na Nagpagawa o Nagpatangos ng Ilong

10 Celebrities na Nagpagawa o Nagpatangos ng Ilong

10 Celebrities na Nagpagawa o Nagpatangos ng Ilong

Maituturing na isang “social taboo” at sensitibong paksa sa Pilipinas ang pagpaparetoke ng kahit anong parte ng katawan lalo na ng ilong.

Kaya ang mga artista, sini-sikreto ang pagpaparetoke dahil ugat ito ng kaliwa’t kanang pamba-bash sa kanila sa social media.

Sa kabila nito, sa mga nakalipas na taon ay parami nang parami ang mga nagpaparetoke sa kanilang ilong.

Sa artikulong ito, kilalanin naman natin kung sino-sino ang mga personalidad na buong-tapang na isiniwalat na sila’y nagpagawa at nagpatangos ng ilong.

Lani Misalucha

Naniniwala si Lani Misalucha na walang mali kung nais gawin ng tao ang isang cosmetic procedure, kaya naman hindi niya tinago na ipinaayos niya ang kanyang ngipin, baba, at ilong.

Ayon pa sa Asia’s Nightingale, sumailalim siya sa surgery upang matanggal ang “luxury bags” sa ilalim ng kanyang mga mata at nagpaayos ng ilong noong 2004.

Iginiit niyang ang nose job ay wala namang epekto sa kanyang vocal capabilities.

Jonalyn Viray

Hindi lang estado sa buhay ang nagbago sa singer na si Jonalyn Viray nang manalo siya bilang Pinoy Pop Superstar grand champion kundi maging ang kanyang pisikal na anyo.

Dalawang buwan pagkatapos ng singing contest ay nagpaayos siya ng ilong at iginiit na walang mali rito hangga’t ito ay positibong pagbabago at bino-boost ang kanyang self-confidence.

Kitkat

Sa loob ng 17 hanggang 18 years ni Kitkat sa showbiz, ilang beses na siyang nagparetoke at sanay na siya tawaging retokada ng mga bashers.

Walang pag-aalinlangan na ibinunyag ng comedian at tv host sa podcast-online show na "Over a Glass or Two" noong May 2021 na maraming beses na siyang nagparetoke.

Nagpagawa siya ng ilong nang apat na beses, nagpalaki ng dibdib, at nagpa-inject ng lip at chin fillers para ma-achieve ang “hugis bigas” look o elongated face.

Nagbabago raw ang ini-endorse ni Kitkat na doktor at beauty clinics kaya ilang beses siyang nagpagawa para maendorso ng maayos ang bawat isa.

Donita Nose

Sa isang interview ng "Tunay na Buhay" kasama si Rhea Santos, inamin ng comedian, host, at impersonator na si Donita Nose na dumaan sa karayom ang kanyang ilong.

Pero ‘di tulad ng iba, hindi siya nagpalagay ng bridge o nagpatangos ng ilong dahil ito ay pinabawasan niya.

Ethel Booba

Ang comedian at impersonator na si Ethel Booba ay proud na inamin noong 2009 na nakahiligan niya ang cosmetic procedure kaya sumailalim siya sa pag-eenhance ng kanyang pisngi at ilong.

Matatandaan na noong May 2007 ay aksidenteng natamaan ng furniture ang ilong ni Ethel kaya natanggal ang silicone implant, dahilan ng pagka-delay sa shooting ng My Kuya’s Wedding ng Regal Entertainment.

Aniya, “sakit na daw talaga” ang sunod-sunod na pagpaparetoke niya dahil ang isang pagbabago sa mukha niya ay humahantong naman sa isa pang retoke.

Chie Filomeno

Inamin ng former GirlTrends member at dating housemate ng "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10" ang pagpapagawa ng kanyang ilong, sa kanyang interview sa Tonight with Boy Abunda.

Kwento ni Chie sa PEP.ph, natamaan ng scalpel ang ilong niya noong ipinanganak siya via cesarean section. 

Naniwala silang magre-regenerate ito dahil baby pa siya noon ngunit umabot ang 14 taon ay hindi pa rin tumutubo ang buto.

Nagawa niya lang ang pagpapagawa upang maisaayos ang bridge ng kanyang ilong. 

Gayunpaman, iginiit ni Chie na hindi masama ang pagpapaayos ng anumang parte ng katawan.

Aniya, “Kung ikaka-confident mo yun, why not do it, kasi yun ang magpapasaya sa iyo and alam mo what’s best for you.”

Geneva Cruz

Nagpa-nose job din ang actress at singer na si Geneva Cruz, dating miyembro ng musical group na Smokey Mountain, noong 16 years old pa lang siya at nagsisimula pa lang sa showbiz.

Aniya, lumaki siyang naniniwala na maganda siya sa sarili niyang paraan pero nang magsimula siyang gumawa ng movies, sinabihan umano siya na malaki ang ilong niya para sa movie screen.

Kaya naman, sumailalim siya sa rhinoplasty para makapagpatuloy sa kanyang mga next projects pero pagkatapos ng operasyon, patuloy pa rin ang pamba-bash sa kanya.

Janine Berdin

Biggest insecurity ni Janine Berdin ang kanyang ilong kaya gumastos siya ng P100,000 para sa nose enhancement at excited na ipinakita ito sa madla.

Nang tanungin ni Vice Ganda sa online show nitong “Gandang Gabi Vice” noong October 2022 kung may ipinagawa siya sa kanyang mukha, hindi nagdalawang-isip na umamin ang Filipino singer-songwriter.

Bagkus, pinaalalahanan na balewalain ang mga komento tungkol sa kanyang physical features dahil sapat na ang kanyang galing sa pagkanta, inamin ni Janine na apektado pa rin siya at sobrang na-iinsecure, dahilan sa desisyon niyang pagpaparetoke.

Toni Fowler

Bukas sa publiko ang pagpaparetoke ng Youtube vlogger na si Toni Fowler dahil ibinahagi niya sa kanyang mga followers ang rhinoplasty journey niya.

Noong December 2020 ay nag-upload ng video ang vlogger upang ipakita ang resulta ng kanyang rhinoplasty.

Mainit rin na talakayan ang before and after transformation ni Toni dahil kapansin-pansin ang mga pagbabago sa mukha nito.

Gigi De Lana

Kabilang din sa listahan ang viral Kapamilya singer na si Gigi De Lana nang aminin niyang nagparetoke siya at proud siya rito.

Ibinunyag niya ito sa isang media conference noong 2021 kasama ang kanyang bandang, Gigi Vibes. Pagmamahal sa sarili at pagnanais na makamit ang best version ang rason kung bakit siya nagpaayos.

Naging viral sa social media si Gigi nang makumpara ang kanyang before and after transformation.


No comments:

Post a Comment

Sponsor