‘Nais kong ipatigil ang Dengvaxia vaccine, pero matindi ang pressure’ – ex-Sec. Ubial
Inamin din niya na “nag-flip flopping” siya sa isyu dahil pilit daw niya itong dini-delay dahil sa hangarin niyang “damage control.”
“I was indeed pressured but I did not give in!” pahayag pa ni Ubial
Sinabi rin nito na nakatanggap siya noon ng bantang makakasuhan kung hindi papayagan ang pagpapatuloy ng naturang programa.
“The pressure was there starting the first day that I became the secretary of Health,” wika pa ni Ubial.
Humarap din sa Senado ang dating consultant ni Ubial na si Dr. Francis Cruz.
Kinampihan niya ang dating kalihim sa ginagawang paglilinis sa kagawaran.
Ang pagdinig sa Senate blue ribbon ay naging daan na magkaharap harap sina Ubial, Sec. Francisco Duque III at dating Sec. Janette Garin.
Samantala hindi napigilan ni committee chairman Sen. Richard Gordon na kwestyunin ang papel ng local distributor ng Dengvaxia sa Pilipinas kaugnay sa kinikwestyong bakuna ng Sanofi Pasture.
Giit ng senador, sa umpisa ay walang alokasyon ang naturang proyekto ngunit kalaunan ay napondohan ng P3.5 billion na lumikha ng malaking agam-agam dahil sa bilis ng approval.
No comments:
Post a Comment