Pangulong Duterte Galit at Pinapabilis ang pagsampa ng kasong Plunder laban kay Roxas, Abad at Abaya dahil sa MRT contract!
Plano ngayon ni Pangulong Rodrigo Duterte na kasuhan ng plunder sina dating Transportation Secretaries Mar Roxas, Emilio Joseph Abaya at dating Budget Secretary Butch Abad.
Panibagong kaso ang kakaharapin ng mga dating opisyal ng nakaraang administrasyon dahil sa pagpayag ng mga ito na ibigay ang kontrata o BURI na walang track record sa railways system management sa Metro Rail Transit (MRT 3).
“There was a decision that cases will be pursued for those behind the miserable performance of MRT 3, there are pending complaints for plunder against officials of the previous administrations, specifically for awarding the maintenance contract to a company with absolutely no track record,” Presidential Spokesman Harry Roque.
Dahil dito, inatasan ni Pangulong Duterte si Solicitor General Jose Calida na pagaralan ng mabuti ang kasong isasampa sa mga dating opisyal at mapanagot ang ang mga ito palpak na resulta sa operasyon ng MRT.
Bukod dito, maling signaling system din aniya ang ibinigay ng nasabing kumpanya para sa naturang train system.
Dismayado si Pangulong Duterte sa naging nangyaring ito kung kaya’t plano narin nito na palitan ang may-ari ng MRT Corporation.
[SOURCE]- BOMBORADYO.COM
No comments:
Post a Comment