Temporary shelter for victims in Marawi vs Temporary shelter for Typhoon Yolanda victims
Ipinangako naman nito na puwede ng lumipat at mahigit 1,000 pamilya sa relokasyon bago dumating ang pasko.
Ayon sa report, nasa 2,400 na pamilya ang gustong makakuha ng permanenteng pabahay habang ang kabuuang bilang ng pamilyang dapat ilikas ay nasa 6,400.
Ang ibang pamilya ay gustong bumalik na lamang sa kanilang nasirang bahay pero maaari silang humingi ng housing assistance na nagkakahalaga ng P210,000 hanggang P240,000.
Samantala noong nakaraang admistrasyon ay 2,400 na pamilya ang kailangang ilikas sa temporary shelter ng mga naapektuhan ng nakaraang bagyong Yolanda sa Tacloban City at Palo, Leyte.
Ang itinayong bunkhouse ng DPWH ay gawa sa coco lumber wooden frame, ang bubong ay gagamitan ng galvanized iron sheet ang dingding at flooring ay mula sa plywood.
Magkakaroon ang isang bunkhouse ng common toilet at kitchen. Hahatiin sa 24 na units ang bawat lugar ay may sukat na 8.64 square meters na sapat lamang para sa isang pamilya na may limang miyembro.
P210,000 hanggang P240.000 ang halaga ng bawat Marawi shelter habang P880.000 naman ang sa Tacloban na ginawa ng DPWH.
May CR at kusina ang bawat shelter sa Marawi habang tulugan lang talaga ang temporary shelter sa Yolanda na ipinagawa ng nakaraang administrasyon.
No comments:
Post a Comment