De Lima nagsalita at Binanatan si Pangulong Duterte dahil sa pag Withdraw ng ugnayan sa ICC “Duterte naduwag sa ICC probe kaya kumalas!”

Para sa nakakulong na si Senadora Leila de Lima, kaduwagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapakalas nito sa Pilipinas mula sa International Criminal Court (ICC).

Ito lang ang konklusyon ng nakakulong na si De Lima sa pasya ng Pangulo na humiwalay na ang Pilipinas mula sa ICC.

Ayon dito, walang kaibahan ang Pangulo sa taong pugante na tumatakas sa hustisya.

“What does that make of his guilt? His futile act of withdrawing the Philippines from the Rome Treaty is the equivalence of a guilty man fleeing from justice. President Duterte is already behaving like a fugitive from justice,” ani De Lima.

Malayong-malayo raw sa deklarasyon ng Pangulo noong kampanya na handa itong managot, makulong at mamatay kung ito ang magiging sukli ng kaniyang paglaban sa pagkalat ng ilegal na droga.

Advertisement
Sinabi ni De Lima na hindi na matatakasan ng Pangulo ang imbestigasyon ng ICC kahit kumalas dito ang Pilipinas.

Tinukoy ang nakasaad sa Rome Statute na lumikha sa ICC na itutuloy ang aksiyon nito sa isang kaso kahit kumalas ang bansa ng taong ipinagharap dito ng reklamo.

Bukod dito, wala umanong bisa ang abiso na kakalas na ang Pilipinas dahil walang basbas ng Senado.

Ayon kay De Lima, kailangang sang-ayon ang Senado dahil kasama itong nagratipika ng Rome Statute.

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]- abante


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
Loading…


No comments:

Post a Comment

Sponsor