Meron nga bang”Ugnayan” ng Human Rights Groups at Drug Syndicates, Iimbestigahan Na!
Makikipagtulungan ang Philippine Drug Enforcement Agency sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation upang siyasatin ang umano’y posibilidad ng pagkakaroon ng “ugnayan” ng mga human rights groups sa mga malalaking sindikato ng droga sa bansa.
Ayon sa ulat ng GMA News, sinabi ni PDEA Director Derrick Carreon na kasalukuyan pang nasa ilalim ng kanilang beripikasyon ang mga impormasyon mula kina Presidential Spkesperson Secretary Harry Roque at Foreign Affairs Secetary Allan Peter Cayetano sa naturang isyu.
Matatandaang nabanggit ng dalawang cabinet secretaries na posible umanong ginagamit ng malalaking sindikato ng droga ang ilan sa mga human rights groups upang atakihin ang mga kampanya ng pamahalaan laban sa ipinagbabawal na gamot.
“We’ve been transparent. We’ve been inviting media. We invite other stakeholders. We wear body cameras. We allow stakeholders to join us in entering the area para naman po makita nila we have been adjusting as well in order to dispel any notions that operations are conducted with any kind of irregularities”, saad ni Carreon.
Sa huli, sinabi ng opisyal na gusto nilang ituring ang bawat pagpuna at pagbatikos sa nasabing kampanya ng pamahalaan laban sa droga bilang positibong kritisismo.
Basahin ang reaksyon ng mga netizens sa isyung ito.
[SOURCE]- gmanews
No comments:
Post a Comment