Mga sangkot sa drug trade inabsuwelto | KASO NI DE LIMA, ‘DI KASALI — ROQUE
IGINIIT ng Malacañang na walang epekto sa drug trafficking case ni Senadora Leila de Lima ang pagkakabasura ng National Prosecution Service (NPS) sa kasong drug trafficking laban kay self-confessed drug lord Kerwin Espinosa at sa suspected drug personalities na sina Peter Co at Peter Lim.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, Jr. na magkaiba ang basehan ng kaso nina De Lima at Espinosa. Ani Roque, may ibang testigo na magpapatunay sa kaso ng detenidong senadora.
Ayon pa kay Roque, mismong ang Korte Suprema na rin ang nagsabi na may probable cause ang kasong isinampa laban kay De Lima.
“Well, unang-una, hindi ko po nababasa pa kung ano iyong desisyon talaga, nakita ko lang iyong balita na nabasura nga itong complaint laban sa kanila. Pangalawa, hindi naman po kasama rito sa kasong ito si Leila de Lima. So, iba po ang basehan ng pagsampa ng kaso kay Leila de Lima, iba ang basehan sa pagsampa ng kaso dito kay Peter Lim,” ani Roque.
“Hindi po, kasi nakarating na sa Korte Suprema may probable cause against Leila de Lima. Ito pong kasong ito, ang sabi lang ng DOJ walang probable cause. Pero iyong kay Leila de Lima po, hindi lang RTC ang nagsabi na may probable cause, pati na po ang Hudikatura ay nagsabi na may probable cause,” paliwanag pa ng kalihim.
Gayunman, umaasa naman si Roque na maging maayos na ang kalagayan ni De Lima matapos makitaan na may bukol ito sa atay.
[SOURCE]- bulgaronline.com
Loading…
No comments:
Post a Comment