James Reid, natuwa sa fan art sa kanya.

Madaming natuwa sa isang fan art para sa kapamilya aktor na si James Reid. Isang IG user (hoopjunkie) ang nag-bahagi ng video na ito na kung saan ay ginuguhit niya ang mukha ni James Reid pero ito ay may twist. 

Hindi lang si James Reid kundi kombinasyon ito ng basketball player na si Lebron James. Napansin naman ito ni James at inilagay niya ito sa kanyang IG story na may rolling on the floor na emoji. 

Ayon sa gumawa nito ay fan na fan daw ito ng dalawa kaya naisip niyang ipag-combine ang mukha ng kanyang dalawang idolo. 

Akala daw niya ay magagalit si James dahil sa kinalabasan ng litrato pero nagulat siya na natuwa si James dito. Umabot ng halos isang milyon ang views nito sa Tiktok 

Inulan din ito ng mga nakakatawang kumento mula sa mga netizens,

"LEBRON JAMES REID"

"Combination ni James Reid, Senator Manny Pacquiao at Lebron James"

"James Reid niyo pagod na"

"Kaya parang hindi talaga ako kumbinsadong si James yang ginagawa mo eh"

"Ako lang ba agad nakapansin na kamukha ni Lebron dino-drawing niya?"


No comments:

Post a Comment

Sponsor