Dalagang nahulog sa hagdan, may pag-asa pang maayos ang mukha.

Sa isang interview ni Jessica Soho kay Charlene, isa sa mga dahilan kung bakit hindi niya naipasuri ang kanyang kalagayan at kondisyon ay dahil sa kakulangan sa pera. 

Ito rin ang naging handlang kung bakit tumigil siya sa pag-aaral dahil sa panghuhusga sa kanya ng mga kaklase niya noong nag-aaral pa siya. 

Nahulog si Charlene sa kanilang hagdan noong bata pa siya at ito rin ang naging dahilan ng pagbabago ng kanyang mukha. 

Image via Charlene

Sa kanyang social media ay ibinabahagi niya ang kanyang mga larawan pero hindi kita ang mukha at kalahati lang na maayos ang kanyang pinapakita. 

Madami din nakikipagkilala sa kanya at nagsesend ng personal na mensahe pero pag nakita siya ng personal ay bigla nalang nawawala at hindi na nagpaparamdam pa.

"Nasasaktan din ako dahil ganito ako tapos ang mga kapatid ko, naiinggit ako dahil sila nagugustuhan sila agad ako hindi," pahayag ni Charlene

"Yumuyuko rin ako minsan. Tumatahimik na lang ako para hindi na lumaki. Nung bata pa ako tinatakpan ko ang aking mukha kapag umaalis na kami. Paglaki ko, hindi ko na ikinahihiya sa mga tao. Pinapakita ko na lang na ganito ako," dagdag pa ng dalaga.

Maaga silang iniwan ng kanilang mga magulang kaya siya ang nagsilbing bread winner ng kanilang pamilya. 

Siya ngayon ay kasaluyang nagtatrabaho bilang isang kasambahay at pangarap din niyang makapagtapos ng pag-aaral. Gusto daw nitong magtrabaho sa ibang bansa bilang nurse.

Ipinasuri din si Charlene sa isang Doktor at malaki daw ang chance na maibalik pa ang kanyang mukha sa pamamagitan ng operasyon. Posible daw na maging ganito ang hitsura niya kung sakaling maooperahan siya.

Ang magagastos daw dito ay aabutin ng 500k-1m pesos. Marami ang nagsasabi na kapag naayos daw ito ay pwede siyang maging model dahil kahit nasira ang kalahati niyang mukha ay kitang kita parin ang kagandahan ng dalaga. 


No comments:

Post a Comment

Sponsor