Aga Muhlach, hindi kumukupas na alindog mula noon.

Ariel Aquino Muhlach sa totong buhay at ipinanganak noong August 12, 1969 sa Santa Cruz, Manila.

Siyam silang magkakapatid at tinigil niya ang pag-aaral niya noon sa San Beda College para makapag-focus siya sa kanyang acting career. 

Ang kanyang pamilya ay may dugong Spanish, German at Chinese. Ipinakilala siya sa industriya ng showbiz gamit ang kanyang totoong pangalan noong siya ay pitong taon gulang sa pelikulang 'May Isang Tsuper ng Taksi' noong 1975 at 'Babaing Hiwalay sa Asawa noong 1976. 

Mas nakilala siya sa screen name niyang Aga Muhlach sa tagumpay ng pelikulang 'Bagets' at doon na nagsimula ang kanyang kasikatan hanggang maging isa siya sa mga popular na matinee idol. 

Tumakbo din siya bilang Congressman sa Bicol noong 2013 ngunit natalo ng halos 3,000 na boto.

Nakarelasyon din niya ang aktres na si Janice de Belen at nagkaroon sila ng isang anak na si Luigi Muhlach. 

17 years old lamang noon si Janice noong pinagbuntis niya si Luigi at inalok siya noon ng kasal ni Aga pero tinanggihan niya ito dahil bata pa daw sila. 

Kinasal naman siya kay Charlene Gonzalez noong May 2001. Nagkakilala sila sa Binibining Pilipinas 1994 pageant na kung saan nauwi ni Charlene ang korona bilang Binibining-Pilipinas Universe. 

Meron na silang kambal na anak na binata at dalaga na sina Atasha at Andres. Sila ngayon ay 20 years old na. Hanggang ngayon ay marami parin kinikilig sa mga larawan ni Aga noong siya ay teenager pa dahil kitang kita ang kagwapuhan nito at ang kanyang alindog.


No comments:

Post a Comment

Sponsor