Talitha Sotto, marunong magbilang sa iba't-ibang lenguahe.
Sa isang bidyong ibinahagi ni Pauleen Luna Sotto sa kanyang IG, nagpakitang gilas si Tali sa pagbibilang sa iba't-ibang lenguahe gaya na lamang ng Spanish, French, Japanese, Chinese, Filipino at English.
May mga ilang nakalimutan si Tali pero tinulungan siya ng kanyang ina. Madami naman humanga sa kanya at may mga celebrities din na nagkumento sa naturang bidyo kagaya na lamang ng best friend niyang si Pia Wurtzbach, Sherilyn Reyes at Maureen Wroblewitz na naging co-host din dati ng Eat Bulaga.
Madami din natuwa sa mga taga hanga ni Pauleen sa pagpapalaki at pagtuturo kay Tali dahil lumalaki siyang mabait at matalino.
Bukod pa dito ay mahilig din si Tali sa musika kagaya ng kanyang mga magulang. Samantala, nagdiwang naman si Bossing Vic Sotto nang kanyang 67th birthday noong April 28. May napakatamis na mensahe ang kanyang asawa sa kanya.
"To our main man, you are so loved and blessed. Not because you have everything you want but because God blessed you with everything you need."
"I pray that the Lord will bless you with a life filled with love, peace and contentment. I will always be here to love, care and protect you. I thank the Lord for your life not only today but EVERYDAY! Happy birthday, my love! I love you, always and forever."
Dahil sa pandemya ay hindi sila nakapag get together sa kanyang kaarawan kaya naman nag video call na lamang sila gamit ang zoom kasama ang kanyang mga anak na sina Danica, Paulina, Oyo Boy at ang Pasig Mayor na si Vico Sotto. Kasama din sa video call sina Kristine Hermosa, Marc Pingris, Jed Llanes at ang mga apo ni Vic.
Si Bossing at Pauleen ay kinasal noong 2016 sa St. James The Great Parish Church sa Alabang. Naging magkasintahan sila simula pa noong 2011.
Malaki man ang agwat nang kanilang edad ay hindi ito naging handlang sa kanilang pagmamahalan at suportado sila ng mga anak ni Bossing at pamilya ni Pauleen. Si Vic ay 67 years old na ngayon at si Pauleen naman ay 32 years old. Ipinanganak ni Pauleen si Tali noong 2017.
No comments:
Post a Comment