Home service para sa mga gustong magpatuli, alok ng isang doktor.

Dahil summer na ngayon sa Pilipinas ay usong uso ang pagpapatuli lalo na sa mga kabataan na nag-aaral ng elementarya. 

Tradisyon na sa Pilipinas ang pagpapatuli at hindi naman ito sapilitan. Karamihan sa mga batang lalaki na sumasailalim dito ay mga edad na 10-14 bago sila magbinata or tumuntong ng high school.

Mayroon dalawang karaniwang paraan para makapagpatuli. Una ay sa clinic o hospital at ang pangalawa naman ay ang "de-pukpok" kung wala kang budget. 

Image via J.Maentz

Dahil nga sa pandemya ngayon ay limitado ang mga libreng tuli sa mga barangay at may pag-aalinlangan ang iba na magpunta sa ospital kaya naman isang doktor ang nag-aalok ng home service para sa mga kabataan na gustong magpatuli. 

Si Dr. Jamille Mabalo ay nakaisip ng konsepto na ito para makatulong sa mga binatilyo na ayaw pumunta ng ospital at sa bahay na lamang magpatuli na kung saan ay mas safe at kumportable sila.

"Instead na pupunta pa ang parents pati yung bata sa clinic o hospital, doktor na po yung pupunta sa mismong bahay nila for their safety lalo na ngayong pandemya."

"Mas mahirap ma exposed so bahay na lang po para hindi na rin mahirapan yung mga bata sa pag-uwi," ayon kay Dr. Maballo sa isang panayam sa kanya ng programang Pinoy MD.

Sumasailalim si Dr. Maballo sa swab test kada linggo para naman protektado at safe ang kanyang serbisyo.

Isa sa mga pasyente ni doktor ay si Amiro na 13 years old na dalawang beses nang nakansela ang kanyang pagpapatuli simula noong 2019. Ayon kay Amiro ay mas kumportable daw ito na sa bahay ginawa ang pagpapatuli sa kanya na umabot ng halos isang oras ang proseso.

Madaming benepisyo ang pagpapatuli at isa dito ay para maiwasan ang UTI (Urinary Tract Infection). Mas nalilinis din ito ng maayos lalo na kapag naliligo.

May mga bansa din na hindi tradisyon ang pagpapatuli kagaya na lamang mga bansang Armenia, Austria, Belarus, Belgium, Bulgaria, Czech Republic, Cyprus, Denmark, Estonia, Finland, France, Georgia, Germany, Greece, Hungary, Iceland, Ireland, Italy, Latvia, Lithuania, Moldova, The Netherlands, Norway, Poland, Portugal, Romania, Russia, Slovakia, Spain, Sweden, Switzerland, Ukraine, and the United Kingdom.


No comments:

Post a Comment

Sponsor