Albert Martinez, hindi sinasarado ang puso na umibig muli.
Hindi man halata sa kanyang mukha senior citizen na ang batikang aktor na si Albert Martinez. Siya ay 60 years old na noong April 19 at ready na daw ito para sa panibagong yugot ng kanyang buhay.
Sa article ng philstar sa kanya, may mga bagay daw ito na hindi na niya kailangan kagaya na lamang ng kanyang 22 classic cars na kinukoleta niya simula pa noong 1995, mamahaling relo, damit at mga sapatos.
Iilan lamang daw ang it𝔦tira niya dito at gagamitin. May mga bagay din siyang baka hindi na daw niya pa kaya pang gawin gaya ng pagbibisikleta mula Quezon City hanggang Laguna.
Mula ng mawala ang kanyang asawang si Liezl sa s𝔞kit na kanser noong 2015 ay siya na lamang halos ang nakat𝔦ra sa bahay nila sa Quezon City.
Image via alyannamartinez IG |
Biniyayaan sila ng tatlong anak kabilang ang aktor na si Alfonso, Alyanna at Alissa Martinez. Ang dalawa niyang anak na babae ay naninirahan sa Amerika kaya naman si Alfonso lamang madalas ang kasama niya sa bahay.
Dati na rin nagdesisyon si Albert na manirahan sa isang condominium pero umabot lamang siya ng apat na buwan doon dahil hindi daw niya ito na-enjoy kaya bumalik siya sa bahay niya sa Q.C.
Anim na taon din siyang biyudo at sa programang Tunay na Buhay ay tinanong siya ni Pia Arcangel kung handa pa ba siyang umibig.
Sa ngayon ay hindi pa daw siya handang umibig muli pero hindi niya sinasarado ang kanyang puso kung sakali man may dumating sa buhay niya. Si Liezl ay hindi daw mapapalitan at ang pag-aasawa muli ay wala pa sa isip niya.
Image via alissamartinez IG |
“I am at peace with myself. I am proud of what I have accomplished with myself, with my family, with my business and with my career. No regrets, no hatred in my heart. I have forgiven those who have done me wrong. No chips on my shoulder.” dagdag pa ni Albert.
Maraming namimiss noong nabubuhay pa si Liezl kagaya ng pagta-travel nila sa ibang bansa at sa pag aasikaso nito kapag siya ay nagtatrabaho o nagte-taping.
Balik Kapuso naman ngayon si Albert para sa isang programa niya sa GMA na Las Hermanas. Labing apat na taon din siyang naging Kapamilya. Naging leading man siya dati ni Julie Vega sa classic drama series na Anna Liza noong 80's.
No comments:
Post a Comment