Dating co-host ng Wowowin na si Le Chazz, na-iwan ng sulat sa kanyang kaibigan.
Natagpuan na wala ng buhay ang komedyante at dating Wowowin host na si Le Chazz sa kanyang bahay sa Quezon City noong May 1.
Richard Vargas Yuzon ang totoong pangalan niya at nadiskubre siya ni Kuya Willie Revillame noong mag guest ito sa Wowowin.
Nakitaan siya ng galing sa pagpapatawa kaya naman kinuha siya ni Willie bilang isa sa mga regular co-host noong 2018.
Inimbitahan muli siya ni Kuya Willie noong Pebrero 2021 sa kanyang programa pero kitang kita na malaki ang pagbabago ng kanyang mukha at katawan.
Image via lechazznightingale IG |
Ayon sa kanyang bestfriend at ka duo niya sa pagiging stand up comedian ay meron daw itong sak𝔦t na diab𝔢t𝔢s.
Tinamaan din daw ito ng d𝔢presyon at str𝔢ss kaya naman malaki ang ip𝔦nayat nito. Si AJ din ang madalas nag-aasikaso kay Le Chazz dahil wala siyang pamilya.
Siya din ay nag-iisang anak lamang at lumaki siyang magkahiwalay ang kanyang mga magulang. Ng linisin din ni AJ ang kuwarto ni Le Chazz ay nakita nila ang isang sulat para kay sa kanya at sa mga iba pa niyang pamilya at kaibigan.
Ito ang laman ng letter:
Image via AJ Tamiza |
My Bestfriend, Partners in crime. Siter from another mother. Ang taong d ako sinukuan ang nakakakilala ng higit sa akin at nakaka intindi. Basta mahal na mahal ko to.
ISANG MAHABANG PASASALAMAT
O Aking Kaibigan. Ang iyong mukha ay tila puno ng kalungkutan. Katulad ng mga madalas nating biruan at kulitan. Ang ganyang mukha ay medyo mahapdi sa mata kung tititigan.
Matalik kong kaibigan. Maari mo bang matanong ko lang? Ang luha ba sa'yong mata'y ako ang dahilan? Pasensya ka na kung ako na ay lumisan at unang nagpaalam.
Subalit wag kang mag-alala pagkat ang puso ko'y umalis na puno ng ligaya at kasiyahan.
Ang buhay natin ay talagang ganyan. May mauuna at maiiwan. Diba't sabi nga nila, i-enjoy mo ng todo pagkat buhay ay maikli lamang.
Ngunit gaanu man kaiksi ang buhay na pinahiram ng Poong Maykapal ay siyang haba ng pasasalamat pagka't ang bawat yugto nito ay nakasama kita mahal kong kaibigan.
Kaya't pahiran na ang luha at ikaw nama'y tumawa dahil ang iyong ngiti at saya ang gusto kong ibaon sa lugar na kung saan lahat tayo ay muling magkikita.
Madaming napasayang tao si Le Chazz at ang mga kapwa niya komedyante ay nagpahayag din ng kanilang pakikiramay at mensahe sa kanilang mga socmed.
No comments:
Post a Comment