Isang senior citizen, ibinahagi kung paano siya kumikita ng 500,000 pesos online.
Dahil sa pandemya ay marami ang nawalan ng trabaho hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo dahil narin sa hindi muna sila pinapayagan mag-operate kaya walang choice ang mga ibang business owners na magtanggal muna ng mga ahente.
Sa hirap din ng buhay ngayon ay diskarte din ang kailangan para matustusan ang araw-araw na pangangailan.
Isang senior citizen ang nagbahagi ng kanyang kuwento kung paano siya kumikita ng 500,000 pesos.
Siya ay si Ma. Lourdes Domingo na pinasok na rin ang online selling. Ayon sa kanya ay hindi lamang pang millenial ang pagbebenta online dahil sa hirap ng buhay ay kailangan din ng diskarte para kumita.
Sa isang interview sa kanya ni Winnie Monsod sa Unang Hirit, ikinuwento niya na sobrang laki ang kanyang kinikita dito sa bawat live session niya.
Ang gross sales daw niya ay umaabot ng kalahating milyon sa 20 bags. Para daw tumaas ang benta niya ay hinihikayat din niya ang mga nanonood na ibahagi ang kaniyang livestream dahil ito daw ay importante para narin lumawak pa at makita pa ng mga gustong bumili ng mga bags.
100% daw na aunthentic ang binebenta ni Mommy Luth.
Meron naman payo si Mommy Luth sa mga senior citizen na gusto rin pasuking ang online selling.
"Try niyo, subukan niyo. Kahit chocolate ay bumebenta online."
Halos lahat ay nabibili na online ngayon kaya naman madami na din Pinoy na pinapasok ang business na ito dahil kahit nasa bahay ka lamang ay nakakabenta ka at nakakapagtrabaho.
No comments:
Post a Comment