Pinay Yaya sa Dubai, hindi iiwan ang mga alaga at amo kahit milyonarya na.

Maswerte ang OFW na si Rosie Vargas dahil nakatagpo siya ng mabait na amo na hindi siya itinuring na kasambahay kundi pamilya na din. 

Walong taon na siyang nagtatrabaho bilang Yaya sa Dubai, siya na rin ang nagpalaki at nag-aa sa mga anak nito kaya naman napamahal na sa kanya ang mga ito. 

Ayon kay Rosie ay mas higit pa ang pagmamahal na ibinibigay niya sa kanyang mga alaga kesa sa mga tunay na ina nila dahil madalas ay wala sila sa bahay at busy sa kanilang mga trabaho. 

'Special Auntie' na ang tawag nang alaga sa kanya. Nakapagtrabaho na din si Rosie sa ibang bansa kagaya ng Hongkong, Singapore at India pero dito daw siya nagtagal dahil iba ang pagmamahal na ibinibigay sa kanya ng mga alaga at amo, maganda rin ang pakikitungo sa kanya dahil kapag nasa bahay sila ay para lamang silang mag-tropa. 

Image via Global Pinoy Unlimited

"Ako kasi kapag nag-alaga ng bata, minamahal ko eh. Iba talaga kapag ikaw ang nakagisnan niya mula noong maliit. The way ng pagmamahal mo sa kaniya, mas sobra pa minsan yung pagmamahal ko kaysa sa nanay niya."

"Sinasabi nila, pamilya tayo, wala tayong taguan, kuung ano 'yung problema mo problema namin. Pag may problem sa bahay, pag-usapan natin. At saka huwag kang magtago. Talagang understanding 'yung amo ko,' dagdag pa ni Rosie. 

Dahil sa kanyang kasipagan at sakripisyo, isa na rin itong naging daan para makaipon siya hanggang umabot na ng isang milyon ang kanyang pera. 

Loyal naman si Rosie sa kanyang amo dahil kahit malaki na ang kanyang naipon na pera ay hindi parin daw niya iiwan ang kanyang mga alaga at amo dahil napamahal na ito sa kanya at pamilya na ang turingan nila. 

Image via Global Pinoy Unlimited

Inamin din niya na mas importante ang samahan na nabuo nila ng kanyang alaga at amo kesa sa pera. Naiintindihan naman daw ni Rosie ng anak niya na nasa Pilipinas ang kanyang sitwasyon dahil para sa kinabukasan rin naman niya ang ginagawa niya.

"Yung mga employer ko po sila lahat talagang sobra pa sa milyon yan e, yung siguro dalhin ko habang buhay itong mga employer ko sa mga bata dahil sa magandang pagsasamahan namin dito. Parang yung puso ko nandito eh, malakas pa naman ako. Hanggang malakas ako dito ako."

Dahil sa kahirapan ng buhay sa Pilipinas ay maraming Pilipino ang gustong mag trabaho abroad para narin makatulong sa kanilang pamilya. 

Kaya karamihan sa mga Pilipinong nagta-trabaho sa Dubai ay mga contruction workers, healthcare, hospitality, cabin crews, nannies/maid. 

Mas mataas ang kinikita ng mga Yaya sa Dubai kesa sa Pilipinas kaya naman marami ang nakikipagsapalaran na makapagtrabaho dito. 

Madami ang masawerte dahil mabait ang kanilang amo at marami din na nakakatagpo ng mapanakit na amo kaya ang mga iba ay napipilitang umuwi pabalik ng Pilipinas.


No comments:

Post a Comment

Sponsor