Tatlong magkakapatid, magkaiba ang kulay ng mga mata.

Hindi inakala at ikinagulat ni Elizabeth na iba ng kulay ng mata ng kanyang tatlong anak na sina AJ, Daisy at Noah. 

Si AJ ay ang panganay at magkabila ang kulay ng dalawa niyang mata, ang isa ay bughaw at ang isa naman ay itim. 

Ang pangalawa naman na si Frencess ay normal lamang ang kulay ng kanyang mga mata. Ang sumunod na si Daisy ay kagaya rin ng kanyang kuya na si AJ na blue sa kaliwa at itim naman sa kanan. 

Image via Bridaga

Samantala, ang bunso naman sa magkakapatid na si Noah ay parehong blue ang kanyang mga mata. Wala daw ideya ang kanilang ina kung bakit ganito ang kulay ng mga mata ng kanyang mga anak pero may nakapagsabi daw sa kanya na swerte ang mga ito.

Masaya naman ang magkakapatid na kulay blue ang kulay ng kanilang mata dahil kakaiba ito at hindi kagaya ng iba. 

Hindi rin maiwasan na mapagdiskitahan sila ng mga kalaro nila at kaklase dahil sa kulay ng mata nila. May pagkakaton din umano na sinaktan si AJ ng ilang kabataan dahil gusto daw nilang kulayan o gawin parehong itim ang kulay ng mga nito. 

Tumigil sa pag-aaral si AJ dahil narin sa pagkawala ng kanyang ama noong 2019, nawala raw ang sigla nito at ang dating masiyahing AJ ay madalas ay tulala na, siya kasi ay Papa's boy ayon kay Elizabeth. Sa ngayon ay ang mga lolo't-lola nila ang nag-aalaga sa kanila habang nagtatrabaho ang kanilang ina.

Image via Bridaga
Ang tawag sa kundisyon na kung saan magkakaiba ang kulay ng mga mata ay 'Heterochromia Iridis'. Is a condition in which the iris in one eye has a different color than the iris of the other eye. The iris is the tissue of the eye that surrounds the pupil and imparts a color, whether green, blue, brown, hazel, grey, or other, to the eye.

Ayon naman kay Dr. Leo Cubillan, 'Kaya sila blue eyes kasi nagkulang yung melanin pigments dun sa iris nila. Naobserbahan natin na meron iba pang kaibahan kagaya nung eyes nila wide set. 

"Maaring mag-fit sila dun sa sinasabing Waardenburg syndrome, itong syndrome na ito ay nangyayari dahil sa mutation doon sa apat na genes na nagco-control sa paggawa ng melanin. 

Kailangan din daw ng masusing pagsusuri upang malaman kung meron ba talaga silang Waardenburg Syndrome.

"Majority of the Waardenburg syndrome very mild lang naman, if ever may hearing loss, parang mild hearing loss. So hindi naman talaga delikado sa mata yung blue eye medyo nasisilaw, otherwise okay lang naman." 

Ayon naman sa mga netizens ay pinagpala daw ang magkakapatid at pwede daw silang maging modelo paglaki nila dahil sa pagiging unique.

Sabi ni @rod_ trip LXVI: "They are suitable to endorse Italian brand United Colors of Benetton. Because Benetton loves to use models of different nationalities especially with exotic and rare looks in their print, commercial, and billboard ads. So they have future ahead of them."

Sabi naman ni @jayar alcober: "Imagine ung iba gumagamit pa ng contact lense para sa mga ganyang mata pero kayo dina kailangan. Ang ganda kaya as long as na malinaw pa rin ang paningin ninyo."



No comments:

Post a Comment

Sponsor