90's teen hearthrob na si Jao Mapa, walang pagsisisi na iniwan ang showbiz

Ang buhay ng isang artista ay hindi madali, bukod pa dito ay hindi ito permanente pero madami parin nangagarap maging artista. 

Maraming celebrities ang iniwan ang kasikatan nila at pinili na lamang ang pribadong buhay kasama ang pamilya kag𝔦ya na lamang ni Jose Vicente D. Mapa o mas nakilala sa screen name na Jao Mapa.

Naging isa siya sa mga teen hearthrob noong 90's at naging co-host din siya ng Eat Bulaga at ASAP. Nagdesisyon siyang iwanan ang showbiz noong 2000 para makapag-aral ng art. 

Nakapagtapos siya ng degree in Fine Arts Major in Advertising sa University of Santo Tomas noong 2003. Kasal siya kay Cecille at biniyayaan sila ng tatlong anak na sina Benjamin, Caleb at Stacey. 

Image via jao_mapa

Sa ng𝔦yon ay nagtatrabaho si Jao sa isang Canadian American school sa Makati bilang art teacher. Ayon sa kanya ay ito ang kanyang gustong gawin at pangarap simula pa noong bata siya. 

Sa isang interview sa kanya ni Vaness del Moral sa Just In inamin ng dat𝔦ng aktor na hindi rin niya pinagsisihan na iwanan ang kanyang kasikatan noon sa showbiz para makag-aral ng arts sa kolehiyo. 

"From that time, 2000 up to the present time, I would always have questions of hindi ka ba nagisisisi? Di ka ba nagsisisi na sana itinuloy mo na lang, siguro hindi ka magkakaproblema, ganyan," pahayag ni Jao.

"These are running through my mind na oo nga no? Parang mali ata ginawa ko. Parang dapat diniretso ko nalang. Let's just say I just took a break and after leaving showbiz, I got a family. I've found my wife, my beautiful wife. We have three kids."

Image via jao_mapa

Si Benjamin ay 18, si Caleb ay 16 at si Stacey naman ay 14. Wala daw sa kanyang anak ang balak mag-artista pero ang kanyang bunso ay aktibo sa kanyang social media lalong lalo na sa kanyang Tiktok.

Dagdag pa ni Jao na nagsimula siyang magpinta noon dahil wala na siyang natatanggap na proyekto noon.

"Tayo diba sa trabaho natin, kailangan natin ng taping. I'm also looking for projects pero wala, wala talaga. What happened was, ever since I also started praying, G𝔬dfather also asked answered those questions. 

"He answered them by my painting. I started to paint, everyday and I sold it online. When I sold it online, I got clients not only here in the Philippines but also from abroad."


No comments:

Post a Comment

Sponsor