Ang nagpapatibok ng puso ni Kara David at ang talentado niyang anak.

Kilala si Kara David bilang award winning journalist at TV host ng i-Witness. Ang kanyang ama na si Emeritus Randy David ay isang Professor sa University of the Philippines, Diliman at ang ina ay dating Chairperson ng Civil Service Commission na si Karina Constantino-David. 

Una siyang nagtrabaho bilang production assistant at researcher sa GMA network noong 1995 hanggang nakitaan siya ng potensyal na maging TV host sa mga dokumentaryo ng GMA kag𝔞ya nang OFW Diaries, I-Witness at Bridaga.

Si Kara ay kinasal kay LM Cancio na isang singer at song writer sa isang simpleng seremonya sa St. James the Aposte Parish Church sa Guagua Pampanga noong 2018. 

Naging magkasintahan sila noon 2015. Si Kara at LM ay school mates sa University of the Philippines, Diliman na kung saan ay nakapagtapos si Kara ng cum laude sa degree na Bachelor of Arts in Broadcast Communication. 

Image via iamkaradavid

Ang pagbibisikleta ay isa sa mga libangan nilang mag-asawa. Meron isang anak si Kara sa dati niyang partner na 20 taong gulang na ng𝔞yon. 

"Nagbago ang buhay ko dahil kay Julia, before ako magbunt𝔦s sa kanya, hindi masyadong importante ang buhay, sobra akong happy go lucky noon na parang hindi ko masyadong iniisip yung future pero noong nagkaroon ako ng anak, naging nanay ako, parang lumaki yung mundo."

"Pakiramdam mo una, hindi kana pwedeng m𝔞m𝔞t𝔞y kasi meron ng umaaasang another human being sa iyo. Pakiramadam mo meron kang obligasyon na gawin maganda ang bansang ito kasi alam mong mamanahin ito ng anak mo."

"As in tahimik lang siya, pabayaan mo siya d'yan mag-aaral siya, hindi siya pasaway. Sobrang siyang complete opposite ng nanay niyang pasaway. Ang differences namin ni Julia, one, she's very musically inclined, very talented siya sa music hindi siya sintunado katulad ko,'" dagdag pa ni Kara.

Image via iamkaradavid

Si Julia ay nanalo na ng gold medal sa national ice skating competion na ginanap sa SM Mall of Asia Ice Skating Rink noong 2019. Bukod pa dito ay madami pa daw siyang interest kag𝔞ya ng acting, pagpipinta at fluent din siya sa Nihonggo.

Samantala, inalala ni Kara ang kanyang matalik na kaibigan na si Cesar Apolinario sa pamamagitan ng pagpost niya ng larawan nilang dalawa at ang mga anak ni Cesar na mga honor student sa kanilang eskwelahan.

"My good friend and fellow kapuso reporter Cesar Apolinario p𝔞ssed 𝔞way almost 2years ago. It was hard for his family. Project Malasakit took his children as scholars. Since then, Athena, Remus and Sofia have been doing their father proud. They are consistently at the top of their class."

Image via iamkaradavid

"Athena graduated in Grade 10 with honors, same with Sofia who is in Grade 7. Remus who is now in senior high school at STI is top 6 in his class. Pareng Cesar, huwag kang mag-aalala, your kids are doing great. Para sa iyo ito, mahal kong kaibigan."

"Salamat sa GMA Network Inc. , sa mga boss namin na nag-shoulder ng tuition ng mga bata, sa mga reporters, news anchors, hosts at mga kaibigan na patuloy na nag-aambag sa tuition at pangangailangan ng mga bata. Salamat sa inyong suporta. At siyempre kay Mareng Jhoy Apolinario sa pag-gabay sa mga bata."


No comments:

Post a Comment

Sponsor