Allan K, milyon milyon ang nalugi noon sa kanyang comedy bars at umaasang makakabangon muli.
Inamin ni dabarkads Allan K sa isang panayam sa kanya ng Reporter's Notebook na m𝔦lyon m𝔦lyon ang nalugi sa kanyang comedy bars na Zirkoh at Klownz dahil sa pandemya kaya nagdesisyon niya itong ipasara.
Ibinahagi din ni Allan na sinubukan niyang ipagtuloy na mag-operate ang kanyang mga comedy bars pero sa kasamaang palad ay walang perang pumapasok at mas lalo pa siyang nalulugi.
"Wala naman naka-foresee kung katagal yung pandemya e, so I think sabi ko mga 1 month lang yan. Nung hindi ma umokey 2 months, 3 months, 4 months, 5 months, 6 months, ay hindi na maganda to, wala na tayong laban."
Image via officialklownz |
"Yung renta namin na close to 400 thousand na yung klownz, close to 500 thousand na yung zikoh. Wala kang income and yet nagbabayad ka ng ganun."
"Pinili din pero hindi talaga so sabi ko magsara na tayo. Idineklara nalang namin na b𝔞nkr𝔲ptcy. Nagbabayad ka ng rent for the 2 bars and walang bus𝔦ness na nagaganap."
Dagdag pa ni Allan na mas malaki pa umano ang gastos kapag nagsara ka ng negosyo kaysa kapag nagtatayo ka dahil kailangan pa daw bayaran ang separat𝔦on p𝔞y, thirteen month at iba pang benepisyo ng mga staff kahit wala nang kinik𝔦ta.
Masakit daw isipin na ang negosyong pinaghirapan niya ng halos dalawang dekada ay mawawala na lamang dahil sa p𝔞ndemya.
Image via officialklownz/Allan K |
"Imaginin mo yung 18 years na yun ng buhay ko tapos biglang nawala. Malulungkot ako kung malulungkot pero no matter how hard you try, kahit anong expertise meron ka, wala kang kalaban laban, v𝔦rus yun."
Isa pa daw nagpalungkot kay Allan ay ang pagkawala ng kanyang dalawang kapatid na may sak𝔦t kaya nagsama-sama lahat ng gastusin at sakto rin na nalug𝔦 at nagsara ang kanyang mga comedy bars. Tinamaan din siya noong nakaraang taon ng C𝒪VID-19 kaya matagal din siyang natigil sa kanyang trabaho.
Samantala, ang kanyang mga ibang tauhan daw sa kanyang dalawang comedy bars ay nakahanap na sila ng ibang pagkakak𝔦taan. Nananalangin din si Allan na balang araw ay magbubukas muli ang kanyang mga negosyo pagtapos ng pandemya.
Buti na lamang at siya ay parte parin ng Eat Bulaga at may iba pa siyang ibang neg𝔬syo. Nakakapag-ipon parin siya para kung sakaling mawala na ang C𝒪VID-19 ay maibalik niyang muli ang kanyang nawalang mga negosyo.
No comments:
Post a Comment