Nadine Samonte, inamin ang dahilan ng pagkawala niya sa telebisyon.


Isa si Nadine Samonte sa mga kasabayan nina Jennylyn Mercado, Katrina Halili, Cristine Reyes, Sheena Halili atbp sa batch 1 ng reality artista search ng GMA noon na Starstruck. 

Umabira ang kanyang karera noon showbiz at madalas niyang gampanan ang mga role na laging inaapi dahil sa amo ng kanyang mukha. 

Siya ang katandem ni Jennylyn sa telefantasya ng GMA na 'Super Twins'. Siya rin ang gumanap na Lorraine sa Bakekang at Shirley sa Endless Love noong 2010. 

Marami na din nagtataka kung ano na nga ba ang ginagawa niya ng𝔞yon at bakit hindi na siya napapanood sa telebisyon. 

Image via nadinesamonte/rboy_chua

Nitong nakaraan lamang na Marso ay inimbitahan si Nadine para maging guest sa Bawal Judg𝔢m𝔢ntal s𝔢gment ng Eat Bulaga at dito niya sinabi ang dahilan kung bakit siya nagdesisyon na magpahinga muna sa showbiz. 2017 nang huling napanood si Nadine sa telebisyon.

"Simula noong nabunt𝔦s ako sa panganay ko, I wanted to spend time with her tapos biglang dumating si pangalawa kaya I want to spend time with my family muna."

Gusto din niyang mabantayan ng maigi ang dalawang anak at alam din niya na mahihirapan siya kapag pinagsabay-sabay niya ang pagte-taping at pagiging ina.

Inamin din ni Nadine na nami-miss niya rin ang buhay niya noon sa showbiz lalo na ang pag-arte kaya kung meron pagkakataon na dumating at medyo malaki laki na ang mga anak niya ay pwede pa siyang bumalik sa showbiz.

Image via nadinesamonte/rboy_chua

"Nakakamiss um𝔞rte, nakaka-miss yung mga samahan niyo sa set and all, yung taping, nakaka-miss magpuyat. Kaya I'm planning sooner, baka," dagdag pa ni Nadine.

Kinasal si Nadine sa isang bus𝔦nessman na si Richard Chua noong 2013. Nagdesisyon ang mag-asawa na wag munang isinapubliko ang kanilang kasal ng isang taon dahil gusto nila ng pr𝔦vacy bilang bagong kasal. 

Meron silang dalawang anak na sina Heather Sloane na isinilang noong 2016 at si Austin Titus na isinilang naman noong 2019. Sa ng𝔞yon ay bunt𝔦s si Nadine sa kanilang pangatlong anak. 

"Happy to announce that now we are a family of 5. Hello, second trimester."

Kabilang sa nagpaabot ng kanilang pagbati ay sina Yasmien Kurdi, Sheena Halili, Charee Pineda, Chyna Ortaleza, Jade Lopez, Melissa Ricks, Mariel Padilla, Rachel Peters, LT at Isabel Oli.



No comments:

Post a Comment

Sponsor