Ito na pala ang buhay ng sikat na Wais na Nanay noong 90's na si Lumen.
Sumš¯”¦kat si January Isaac dahil sa isang role niya bilang Lumen sa Surf commercš¯”¦als kasama ang dalawang kambal na sina Charlotte at Charice Hermoso mahigit isang dekada na ang nakakalipas.
Si Lumen ay kasal kay Lando na istrikto ang ina lalo na sa kalinisan ng damit ng kanyang mga apo. Gusto nito na bumili si Lumen ng mga mamahalin na detergent pero wais si Lumen at mas pinili niya ang Surf.
Ang patalastas na iyon ay umere sa mga iba't-ibang channel mula 1998 hanggang 2015 at isa sa mga tumatak sa mga Pilipino lalo na ang mga batang 90's.
Sa ngš¯”˛yon ay nakabase na sa Amerika si January kasama ang kanyang asawa na isang Amerš¯”¦kano. Kinasal siya kay Wade Bodlovic noong 2010 sa Shoreline, Washington.
Image via January Isaac Bodlovic |
Mahigit isang dekada na silang kasal at biniyayaan sila ng dalawang anak na sina Hunter at Harley. Base sa socmed ni Lumen ay mukhang masaya na siya sa pinili niyang pribadong buhay sa Amerika kasama ang pamilya.
Si January ay nag-aral din sa School of Richard Brander Acting sa Los Angeles California at noong 2005 naman noong nakapagtapos siya ng bachelor's degree in Production Design.
Bukod pa doon ay mayroon din siyang double black belt sa Taekwondo at Aikido.
Ang dalawang kambal naman na si Charice at Charlotte ay aktibo parin sa kanilang socmed at pagmo-modelo.
Image via charicehermoso |
Madalas din silang mag lš¯”¦vestrš¯”¢am sa kanilang pagš¯”¢.
Napabilang sila noon sa isang serye na Inday Will Always Lš¯”¬ve You kasama sina Barbie Forteza, Kim Rodriguez at Derrick Monasterio. Kahit pinasok nila ang pag-aartista ay hindi parin nila nakakalimutan ang kanilang edukasyon.
"Hindi naman po kami porke't artista or may raket or what, hindi na rin po namin gagawin yung gawain namin sa school, ginagawa parin po namin. Kasi may promise po kami sa parents namin na kahit anong mangyari, yung grades namin mataas parin."
No comments:
Post a Comment