Ozamiz vice mayor, nakuhanan sa cellphone video na tila may bagay na tinangkang itago
Isang cellphone video ang nakuha ng GMA News na makikita si Ozamiz City Vice Mayor Nova Princess Parojinog-Echavez na tila may bagay na tinangkang itago nang salakayin ng mga awtoridad ang bahay nito nitong Linggo ng madaling araw.
Sa ulat ng GMA “News To Go” nitong Lunes, makikita si Echavez na may kinuha sa isang bag na iniinspeksyon ng mga babaeng pulis at biglang itinago sa kaniyang palad.
Pero pilit na tiningnan ng mga pulis kung ano ang bagay na kinuha ni Echaves at kanilang kinuha.
Ayon sa ulat, isang pakete na may lamang kulay puti ang itinago umano ni Echaves.
Nang makuha ng mga awtoridad ang naturang bagay, kaagad na siyang pinosasan.
Sa naturang pagsalakay ng mga awtoridad, napatay ang ama ni Echaves na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at 14 na iba pa.
Napatay din ang asawa ni Parojinog na si Susan, at ang kapatid nito na si Provincial Board Member Octavio Parojinog.
Sinalakay ang bahay ng mga Parojinog sa bisa ng anim na warrants to search dahil sa iligal na mga armas.
Ayon kay Misamis Occidental PPO chief Senior Superintendent Jaysen de Guzman, kaagad umano silang pinaputukan ng mga tauhan ng alkalde gumanti sila ng putok.
Sinasabing mahigit isang kilo ng shabu ang nakuha umano sa mga bahay nina Mayor Parojinog ay Vice mayor Echavez.
Sakabila nito, inakusahan ni Echavez ang mga awtoridad na itinanim lamang ang mga ebidensiyang nakuha sa kanilang bahay.
Source: gma news
No comments:
Post a Comment