HUMIRIT TALAGA SI DE LIMA DAHIL MAY SAKIT DAW SA LIVER

PINAYAGAN ng Muntinlupa Regional Trial Court ang hirit ni Senador Leila De Lima para sa medical furlough.

Ito ang tugon ng Muntinlupa RTC Branch 206 sa urgent motion for medical furlough na isinumite ng senador noong Pebrero 22, 2018.

Pumayag si Muntinlupa RTC Branch 206 Judge Amelia Fabros Corpuz para sa isang araw na furlough pero wala pang itinakdang eksaktong petsa para sa medical check-up nito.

Advertisement
Noong Pebrero 15, 2018, sumailalim si De Lima sa medical examination sa PNP General Hospital kung saan nakitaan ito ng bukol sa kanyang atay.

Dahil dito, inirekomenda ng doktor ni De Lima na si Dr. Errol Rhett Santelices na makalabas ng PNP Custodial Center para sumailalim sa CT scan.

Kaugnay nito, sagot ng senador ang gagastusin sa kanyang pagpapatingin.

Inatasan naman ng korte si CIDG-NCR Chief Sr. Supt. Bellie Tamayo para tiyakin ang seguridad ni De Lima habang inihahatid sa Philippine Heart Center at pabalik sa PNP Custodial Center. 


Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]- bulgaronline.com


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
Loading…


No comments:

Post a Comment

Sponsor