Sen.Lacson Galit na Binanatan si UN HR Chief Al Hussein “Walang Kang Karapatang Bastusin si Pangulong Duterte!”
SINUPALPAL ni Senator Panfilo Lacson ang pahayag ni United Nations Human Rights Chief Zeid Ra’ad Al Hussein na dapat nang magpatingin sa psychiatrist si Pangulong Rodrigo Duterte
Ayon kay Lacson, uncalled at unbecoming ang statement na ito ni Zeid, lalo na’t isa siyang mataas na opisyal ng UN.
Pahayag ng senador, dapat sana’y ipinakita ng UN Human Rights Chief na isa siyang educated person at hindi na nagbigay ng mapang-insultong pahayag laban kay Pangulong Duterte na inihalal o ibinoto ng mahigit anim na milyong Pilipino.
Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi lamang mga Pilipino ang ininsulto ni Zeid kundi magiging ang lahat ng mga bansang nagkaroon ng demokratikong halalan.
[SOURCE]- DWIZ
Loading…
No comments:
Post a Comment