Lola na nagdiwang ng ika-100 birthday, ibinahagi ang sikreto ng mahabang buhay.

Nagpasa ng isang resolusyon ang Sangguniang Bayan ng Santa Elena, Camarines Norte bilang pagkilala kay Lola Eugenia na nagdiwang ng kanyang ika-100th birthday noong nakaraang linggo. 

Ipinanganak si Lola Eugenia Maravilla noong Oktubre 10, 1921. 

Bilang centenarian, makakatanggap si Lola Eugenia ng 100,000 p𝔢sos at certific𝔞te mula sa lokal na pamahalaan. 

Halos dalawang dekada ng hindi nakakakita si Lola Eugenia dahil sa kanyang kat𝔞rata pero malinaw pa daw ang kanyang pandinig at malakas pa ang kanyang pangangat𝔞wan. 

Isa daw sa sikreto niya kung bakit malus𝔬g parin ang kanyang pangangatawan ay dahil sa pagkain ng gulay at mga masustansyang pagkain.

Image via Unang Balita

Samantala, isa pa sa mga nagdiwang ng kanyang ika-100th birthday ang si Lola Virgie na naging guro noon ng aktres na si Gloria Romero. 

Naging usap-usapan ang muling pagkikita ng isa sa mga tanyag na artista ng Pilipinas noong 60's na si Gloria Romero at ang kanyang guro na 100 anyos na ang edad. 

Sa isang episode ng Tunay na Buh𝔞y, sinurpresa ni Pia Arcanghel ang aktres sa pamamagitan ng virtu𝔞l reunion nila ng d𝔞ting guro. 

Naging estudyante ni Lola Virgie si Gloria noong nag-aaral pa siya ng high school sa subject na Filipino at Ingles. 

Image via Tunay na Buhay

Kahit matagal na ang panahong lumipas ay hindi parin nila nakakalimutan ang isa't-isa. Sa katunayan ay naging taga hanga si Lola Virgie ng mga programa at pelikula ni Gloria at sinubaybayan niya ang karera nito sa showbiz. 

Masaya at naluha naman si Gloria ng mabalitaan niyang sinusubaybayan ng kanyang dating guro ang mga ginawa niyang mga pelikula. 

Dahil mahina na ang tuhod ni Lola Virgie, madalas ay nanonood na lamang siya ng telebisyon o kaya ay nakahiga.


No comments:

Post a Comment

Sponsor