Mga Tatakbo sa Darating na Bgy. Elections, Balak Isailalim sa Drug Test!

Kaliwa’t kanan na ang paghahanda para sa darating na Barangay Elections sa susunod na buwan. Kasabay nito, hiniling ni incoming Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde na isailalim sa drug test ang lahat ng kakandidato para sa nasabing halalan, sa ulat ng PTV.

Ayon kay Albayalde, napakahalagang bagay na matiyak na hindi sangkot sa anumang kalakaran ng ilegal na droga ang sinumang opisyal ng Barangay, dahil sila umano ang pangunahing tagapangalaga ng kanilang nasasakupan. Dahil dito, hinihikayat ni Albayalde na kusang-loob at boluntaryong makipagkaisa sa pagsasailalim sa nasabing drug test ang bawat kandidato, kung aniya’y wala talagang itinatago ang mga ito.

Advertisement
Nauna na ring nanawagan si Albayalde sa mga umano’y opisyal ng Barangay na nasa listahan ng PNP Drug Watch List na sumuko na. Ipinaaalala rin niya sa publiko na huwag iboto at hindi dapat mailuklok sa posisyon ang mga opisyal na lulong at sangkot sa droga, sa darating na Barangay at Sanguniang Kabataan Elections ngayong Mayo.

Pabor ba kayo dito mga kababayan?

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]- PTV | PTV News


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
Loading…


No comments:

Post a Comment

Sponsor