P1 Milyong Donasyon at Pangkabuhayan para sa mga Sumukong Durugista, Ipinagkaloob sa PNP!
Isang milyong pisong donasyon at mga kagamitan para sa marangal na hanapbuhay ng mga sumuko at rehabilitated drug dependents ang tinanggap ng Philippine National Police.
Sa ulat ng PTV news, limandaang libong piso ang nagmula sa Rotary Club of Camp Crame sa ilalim ng kanilang programang “Katok sa Puso” upang suportahan ang mga sumukong drug dependents sa “Oplan Tokhang”. Samantala, ang kalahating milyon naman ay nagmula sa mga pondong nalikom sa “Takbo Kontra Droga”, 1st Chief PNP Fun Run na isinagawa noong Marso 11 sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Ilan sa mga kagamitang panghanapbuhay ay portable welding machines para sa mga nakakumpleto ng pagsasanay sa Tesda bilang welder, electronic tools for repairs and services, maliliit na engine mechanics, at maiksing kurso para physical therapy and massage.
Nawa ay magamit ito sa tuluyang pagbabagong-buhay ng mga taog naligaw ng landas.
[SOURCE]- ptv
Loading…
No comments:
Post a Comment