Pagpapatayo ng Casino ang motibo sa pagpapasara ng Boracay, ayon kay Trillanes!
Dahil inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasara ng anim na buwan sa Boracay, may reaksyon naman dito si Senator Antonio Trillanes IV.
Nitong Huwebes, sinabi ni Trillanes na kaya ipinapasara ang Boracay ay dahil patatayuan umano ang isla ng mga casino.
Bilang isa sa mga kritiko ng pangulo, naging negatibo rin ang pahayag ni Trillanes sa pagpapasara ng Boracay.
Para sa senador, hindi ito naniniwala sa dahilan kung bakit ipapasara ito. Mas kapanipaniwala sa kanya na ang pagpapatayo ng casino ang tunay na dahilan at hindi ang pagsasaayos ng isla.
Tingin ni Trillanes, kaya ipinasara upang malayang makapasok ang mga materyales na gagamitin sa pagpapatayo ng casino.
Subalit wala umanong pruweba ang senador, nasisiguro niya na totoo ito dahil saad niya nakipagpulong noong December ang mga negosyanteng magtatayo ng casino.
Dagdag pa niya, nitong Enero lang inaprubahan kaagad ng Palasyo ang prangkisa ng casino kaya natitiyak umano niya ito.
Saad ni Trillanes, kung talagang gustong linisin ni Duterte ang Bocaray, hindi na dapat ito ipinasara dahil maraming maapektuhan na naghahanap-buhay roon.
Dagdag pa niya, ang administrasyong Duterte lamang ang kikita umano sa pagpapasara nito.
Gusto rin ng senador na paimbestigahan sa Senado para malaman ang tunay na motibo ng pagpapasara ng Boracay.
[SOURCE]- RMN
Loading…
No comments:
Post a Comment