PLANONG SABWATAN NILA AGNES CALLAMARD AT ZEID RA’AD AL HUSSEIN,NABISTO NI PRES.DUTERTE.DI KAYO MAGTATAGUMPAY!
KUMALAS na ang Pilipinas mula sa Rome Statute, ang tratadong lumikha ng International Criminal Court (ICC).
Sa inilabas na statement ni Pangulong Rodrigo Duterte, lumilitaw na may sabwatan umano ang mga U.N. special rapporteur para palabasin siyang marahas at lumalabag ng karapatang-pantao dahil sa umano’y extrajudicial killings sa kanyang anti-drug war.
Ayon kay Duterte, ang mga kilos at pahayag nina U.N. Special Rapporteur Agnes Callamard at U.N. High Commissioner on Human Rights Zeid Ra’ad al-Hussein ay nagpapakita ng international bias at pagtangging pagsuporta sa lehitimong hakbang ng Pilipinas para makawala sa kontrol at impluwensiya ng mga banyaga.
Inihayag pa ni Duterte na ang mga iniaakusa sa kanya ay hindi maituturing na genocide o war crimes, hindi rin crime of aggression o crime against humanity.
Agad umanong epektibo ang pagkalas ng bansa sa Rome Statute at pag-alis sa hurisdiksyon ng ICC.
[SOURCE]- bulgaronline.com
Loading…
No comments:
Post a Comment