Drug lords inabsuwelto ng DOJ,REREVIEWHIN KO ANG DISMISSAL!PRES.DUTERTE.

PERSONAL na pag-aaralan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakabasura ng Department of Justice sa drug cases ng mga “drug lord” na sina Peter Lim, Kerwin Espinosa at iba pa.

“I will invoke my power of supervision and control and will review the dismissal,” ani Pangulong Dutertre.

Samantala, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, Jr. sinabi pa umano ng pangulo na kapag tuluyang nakalaya ang mga nabanggit na mga indibidwal ay ipapalit niya umano sa kulungan si Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Advertisement
Inihayag din ng pangulo na dapat ginamit ang pag-amin ni Espinosa sa Senate probe na isa itong drug pusher bilang ebidensiya sa kanya.

Samantala, bumuo na rin ng bagong panel si Aguirre na hahawak sa motion for reconsideration na inihain ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG).

Muling nilinaw ni Aguirre na hindi pa ligtas ang mga akusado dahil mayroon nang naka-file noon pang Pebrero na motion for reconsideration.

Sponsor
So what can you say about this one? Let us know your thoughts in the comment section below, and don’t forget to share this post to your family and friends online. And also, visit our website more often for more updates.

[SOURCE]- bulgaronline.com


Disclaimer: Contributed articles does not reflect the view of FRESHNEWSTODAY. This website cannot guarantee the legitimacy of some of the information contributed to us. You may do additional research if you find some information doubtful. No part of this article maybe reproduced without permission from this website.
Loading…


No comments:

Post a Comment

Sponsor